PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktres, humingi ng saklolo dahil sa pananakit ng asawa

Aktres, handa sa mga ebidensiya niya laban sa asawa.
by Jojo Gabinete
Published Dec 21, 2025
Aktres, nagpapasaklolo dahil sa ilang taong pisikal na pang-aabuso ng mister
Blind item: Aktres, may pinanghahawakang ebidensiya para pormal na ireklamo ang pisikal na pang-aabuso ng mister.
PHOTO/S: Canva

Dumulog na ang isang aktres sa ahensya ng gobyerno para humiling ng proteksyon, at inaasahan niyang maipagkakaloob ito bago sumapit ang Pasko.

Nangangamba ang aktres para sa kaligtasan nito dahil bukod umano sa pisikal na pananakit, siya ay biktima ng mental, emotional, at verbal abuse ng kanyang asawa.

Kumpiyansa ang aktres na may basehan ang reklamo niya laban sa mister.

Hawak daw niya ang lahat ng mga dokumento na makapagpapatunay ng diumano'y pagmamaltrato sa kanya.

Ang medical certificate at police report ang ilan sa aniya'y matibay na ebidensyang pinanghahawakan niya.

Binigyan ng aktres ng kopya ng mga dokumento kaugnay ng reklamo niya sa asawa ang mga mapagkakatiwalaang kaibigan na puwedeng tumayo bilang mga testigo.

Ibinigay rin ng aktres sa mga kaibigan nito ang kopya ng I.D. at pangalan ng mga tao na anito'y dapat managot kung sakali mang may mangyari sa kanya na masama.

Seryoso ang aktres sa pasya na iwanan na ang asawa at mapawalang-bisa ang kanilang kasal dahil gusto na raw niyang makawala mula sa mga pananakit at panggigipit na nararanasan sa loob ng maraming taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Handa ang aktres na isapubliko ang mga kalupitan na nararanasan pero hinihintay muna niya ang aksyon na gagawin ng government agency na kanyang nilapitan para tulungan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Blind item: Aktres, may pinanghahawakang ebidensiya para pormal na ireklamo ang pisikal na pang-aabuso ng mister.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results