Mariin na itinanggi ng legal counsel ng Ion Hotel sa Baguio City ang balitang dating pag-aari ito ni former Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral.
Si Atty. Enrique Dela Cruz, Jr. ang abogado ng Ion Hotel.
Read: Catalina Cabral, naka-check-in sa dating pag-aaring hotel
ION HOTEL LAWYER'S STATEMENT
Ayon sa abugado, walang katotohanan ang impormasyong nag-uugnay sa hotel sa pumanaw na dating DPWH Undersecretary at kay Benguet Lone District Representative Eric Yap.
"These allegations are entirely false, misleading, and wholly unsubstantiated," ang bahagi ng official statement na inilabas ni Dela Cruz ngayong Linggo, Disyembre 21, 2025.
"Undersecretary Cabral and Congressman Yap are not, and have never been owners, shareholders, directors, officers, or beneficial owners of Ion Hotel.
"They have no involvement whatsoever—direct or indirect—in the ownership, management, or operations of the hotel.
"Moreover, Ion Hotel is not involved in, connected to, or associated in any manner with any flood control project. The hotel is not engaged in the construction industry.
"In light of Undersecretary Cabral’s recent passing, the circulation of such false and misleading implications is deeply insensitive to her family, her legacy, and her former colleagues.
"Ion Hotel operates strictly in accordance with Philippine laws and regulations and consistently adheres to the highest standards of corporate governance and ethical business conduct,” ang paliwanag ni Dela Cruz.
Hiniling ng abugado sa mga media organization na maging tumpak at balanse sa paghahatid ng mga balita.
"We call on all media organizations to observe the highest standards of accuracy, fairness, and sensitivity in their reporting.
"Our client reserves all legal rights and remedies to protect its reputation against defamatory and unfounded claims," ang kabuuan ng pahayag ni Dela Cruz.
Read: Viral selfie ng driver ni Catalina Cabral, tugma sa dashcam pic
ION HOTEL LAWYER DID NOT MENTION JONVIC REMULLA
Kakatwang pinaalalahanan ng lawyer ng Ion Hotel ang media, pero mapapansing hindi niya binanggit ang pangalan ni Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.
Nanggaling kay Remulla ang impormasyon na si Cabral ang dating may-ari ng Ion Hotel na ibinenta niya kay Yap ngayong taon.
Naganap ang pagsisiwalat ni Remulla tungkol sa diumano’y koneksyon nina Cabral at Yap sa isa’t isa noong Sabado, Disyembre 20, sa panayam sa kanya sa Kwatro Alas, ang programa ng DZMM.
"Nakita kasi namin yung Ion Hotel, kung saan siya nakatira ay pag-aari ni Usec. Cabral pero ibinenta niya noong 2025 sa isang nagngangalang Eric Yap," ang kuwento ni Remulla.
"It is evident na may relasyon sila ni Eric Yap, business-wise. It is evident na yung mga paglagay ng rock netting na yon ay dumaan sa opisina ni Usec. Cabral.
"It is evident na ang supplier at contractor ng rock netting ay si Eric Yap, so somehow there is relationship."
Read: Cabral family says no foul play in ex-DPWH official’s death
CATALINA CABRAL DEATH
Natagpuan ang walang buhay na katawan ni Cabral sa bangin sa Kennon Road, Tuba, Benguet noong Huwebes, Disyembre 18. Bago naganap ang malagim na pagkamatay ni Cabral, nag-check-in muna siya sa Ion Hotel kaya nadamay ito sa isyu ng kanyang kontrobersyal na pagpanaw.
Ngayong Linggo, Disyembre 21, sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Michael Francisco ng Branch 6 ng Baguio City Regional Trial Court, nagsagawa ng imbestigasyon sa Ion Hotel ang mga tauhan ng Scene-of-the-Crime Operatives (SOCO).
Pinuntahan nila ang kuwarto na tinuluyan ni Cabral para mangalap ng mga ebidensya na magagamit nila para matukoy ang mga kaganapan sa huling sandali ng buhay ni Cabral.
Mahalagang imbestigahan nang maigi ang sirkumstansya ng pagpanaw ni Cabral, na dawit umano sa mga anomalya sa infrastructure projects ng DPWH.