PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kean, Enzo, at Rocco, common denominator ang StarStruck

Kean Cipriano, bakit umatras noon sa StarStruck Season 3?
by Jojo Gabinete
Published Dec 21, 2025
Kean Cipriano, Enzo Pineda, Rocco Nacino pare-parehong galing StarStruck
Kean Cipriano, Enzo Pineda, at Rocco Nacino (L-R) pare-parehong nanggaling sa Kapuso reality series na StarStruck.
PHOTO/S: StarStruck

Ang Bar Boys: After School ang reunion movie nina Rocco Nacino at Enzo Pineda dahil huli silang nagkasama sa Bar Boys, ang comedy drama na ipinalabas sa mga sinehan noong Agosto 2017.

Official entry sa 51st Metro Manila Film Festival ang Bar Boys: After School na sequel ng Bar Boys na pinagbidahan din nina Carlo Aquino at Kean Cipriano.

Tatlo sa cast members ng Bar Boys: After School ang produkto ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7.

Alumnus sina Rocco at Enzo ng Season V ng StarStruck na napanood sa GMA-7 mula Nobyembre 15, 2009 hanggang Pebrero 21, 2010.

Si Enzo ang nanalo na First Prince at si Rocco ang hinirang na Second Prince, samantalang si Steven Silva na matagal nang hindi aktibo sa showbiz ang nagwagi na Ultimate Survivor.

Iilan na lamang ang nakakaalaala na minsan nang sinubukan ni Kean na sumali sa StarStruck: The Nationwide Invasion, ang Season 3 (Nobyembre 28, 2005-Marso 12, 2006) ng artista search ng Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bar Boys cast and director, reunited sa Bar Boys: After School

KEAN CIPRIANO umatras sa starstruck

Labingwalong taon ang edad ni Kean nang maging kalahok ito ng Season 3 ng StarStruck, pero isang tawag sa telepono ang nakapagpabago sa kanyang isip.

Ayon sa isang executive ng StarStruck Season 3 na nakausap ng Cabinet Files, umatras si Kean nang matanggap nito ang tawag sa cellphone habang nagaganap ang announcement ng Top 100 contestants sa 17th floor ng GMA Network Inc.

Nagpaalam si Kean nang maayos at tama ang kanyang desisyon na huwag nang ituloy ang pagsali sa reality-based artista search ng GMA-7 dahil sumikat siya nang husto bilang lead vocalist ng pop-rock band na Callalily.

Sa panayam kay Kean ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda noong Agosto 2023, inalala niya ang pagsali niya noon sa reality show.

"Ito yung kuwento na ayoko sanang ikuwento, sa totoo lang, dahil parang iba siyang phase ng buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi yung time na yon, yung nanay ko, gusto niya akong mag-artista. Yung video na yon, magkaaway kami ng mommy ko noon dahil ayaw ko.

"Sabi ko, may mga camera sa labas, kumbaga, hindi ko siya gusto talagang gawin. Mas gusto ko na i-pursue yung music.

"Mas gusto kong sumugal at tumalon sa pagbabanda, pagsusulat ng kanta. Mas gusto kong ganoon.”

Read: Emilio Daez says no rivalry with PBB housemates

BAR BOYS REUNION

Makalipas ang walong taon, muling magkasama sina Rocco, Enzo at Kean sa Bar Boys: After School.

Pero hindi nakalimutan na ang kanilang common denominator, ang pagsali nila noon sa magkahiwalay na panahon sa reality-based artista search program ng GMA-7.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kean Cipriano, Enzo Pineda, at Rocco Nacino (L-R) pare-parehong nanggaling sa Kapuso reality series na StarStruck.
PHOTO/S: StarStruck
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results