Dahil sa impormasyong ibinahagi ng De La Salle-College of Saint Benilde-Expanded Tertiary Education, Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP), nalaman ng publiko na hindi lamang ang pagiging direktor ng Project Loki ang pinagkakaabalahan ni Xian Lim.
Ang Project Loki ay mystery-crime thriller series ng Viva One
Ang ETEEAP ay programa ng College of St. Benilde na nagbibigay ng pagkakataon sa isang tao na magkaroon ng academic degree.
Read: Xian Lim, challenge accepted ang pagdidirek ng newbies
BENILDE'S ONE-YEAR PROGRAM
Bilang artista, may karanasan si Xian Lim sa mundo ng musika.
May tatlo siyang recorded albums at may eksperiyensiya rin siya sa pag-perform on stage ng iba-ibang kanta.
Pasok iyon bilang isa sa requirements ng kolehiyo.
Ito ang nakasaad sa website ng paaralan: "ETEEAP is a program that allows individuals to attain an academic degree through an assessment process that recognizes, credits, and gives equivalencies to knowledge, skills, and prior learning gained from relevant formal, non-formal, and informal training and work experiences.
"De La Salle-College of Saint Benilde offers undergraduate programs deputized by the Commission on Higher Education (CHED) to Implement ETEEAP.
"These ETEEAP deputized programs are designed to be completed in one (1) school year through a personalized and individualized delivery.
"ETEEAP candidates only need to attend regular classes if they request refresher or enrichment programs.”
Sa pamamagitan ng ETEEAP, AB-Music Production candidate si Xian.
Naganap noong Disyembre 16, 2025 ang kanyang recital.
"Recital happened yesterday," ang Instagram post ni Xian noong Disyembre 17.

Pero hindi siya nagbigay ng detalye tungkol sa kanyang pag-aaral.
Napagtuunan lamang ito ng pansin ng publiko dahil sa Facebook post ng College of St. Benilde- ETEEAP.
Sabi rito: "Filipino actor Xian Lim, who is an AB-Music Production candidate via Benilde-ETEEAP, has taken his final validation in Performance Cluster at the Black Box, Design + Arts Campus last December 16, 2025.
"Like Xian, you can cap off your work experience with a bachelor’s degree.
"Learn more about ETTEAP at Benilde by sending an email to eteeap@benilde.edu.ph,” ang caption sa mga larawan ni Xian na inilabas ng Benilde-ETEAAP.
Read: Xian Lim, isa nang ganap na private pilot
XIAN LIM BEYOND SHOWBIZ
Sa edad na 36, ipinakita ni Xian na walang edad na pinipili ang pag-aaral para magkaroon ng malawak na kaalaman.
Noong Hunyo 2025, naging ganap na commercial pilot si Xian.
Dahil sa kanyang mga kaalaman at talento, maraming trabaho na puwedeng gawin ang aktor.
May kakayahan siya bilang mang-aawit, scriptwriter, at direktor sa pelikula at telebisyon.
Pinatunayan ni Xian na maliban sa showbiz, may ibang mundo siyang ginagalawan.
Makikita rito na kung gugustuhin ng mga artista, maaari silang magkaroon ng pribadong buhay.