PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dalawang Pinay bahagi ng true crime docu na Murder in Monaco

May Pinay na biktima, at ang isa pa ay testigo.
by Jojo Gabinete
Published Dec 23, 2025
Dalawang Pinay kasama sa lead characters sa true crime documentary na Murder in Monaco
Dalawang Pinay na sina Vivian Torrente at Sonia Casiano Herkrath, lead characters sa Murder in Monaco sa Netflix.
PHOTO/S: Netflix

Nag-umpisa noong Disyembre 17, 2025 ang Netflix streaming sa Murder in Monaco, ang true crime documentary tungkol sa misteryosong pagkamatay ni Edmond Safra.

Si Safra ang billionaire banker na pumanaw sa edad na 67 noong Disyembre 3, 1999.

Smoke asphyxiation ang ikinamatay ni Safra at ng kanyang nurse na si Vivian Torrente.

Nasunog ang penthouse apartment na tinitirhan ni Safra sa Belle Epoque building sa Monte Carlo, Monaco.

May state-of-the-art security ang penthouse apartment ni Safra kaya palaisipan sa mga imbestigador na may dalawang hindi kilalang lalake ang nakapasok sa tahanan ng billionaire banker.

Ayon ito sa kuwento ni Ted Maher, isa sa mga nurse na nag-aalaga kay Safra, na ang malawak na kuneksyon ay kabilang ang mga pulitiko, Hollywood stars, at mga hari.

Read: The Wire actor James Ransone dies at 46

HOW SAFRA AND TORRENTE DIED

Pumasok sina Safra at Torrente sa panic room para iligtas ang mga sarili mula sa mga hindi inaasahang bisita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nagkaroon ng sunog dahil sa apoy na sinimulan ni Maher para tumunog ang smoke alarm na naisip niyang paraan sa paghingi ng saklolo.

Sa kasamaang-palad, hindi nakalabas mula sa panic room sina Safra at Torrente dahil sa makapal na usok.

Tinalakay sa Murder in Monaco ang trahedya na nangyari at ang pagkakabilanggo ni Maher.

Lumitaw sa imbestigasyon na siya ang gumawa ng krimen, hindi ang mga pinaghihinalaang mga miyembro ng Russian mafia at Colombian drug cartels.

Read: Sweet, di totoong tinarayan si Esnyr; Nadine MIA sa mall shows

VIVIAN TORRENTE AND SONIA HERKRATH

Maaaring magkaroon ng interes ang mga Pilipino na panoorin ang Murder in Monaco dahil Pilipino ang dalawa sa mga pangunahin na karakter sa nabanggit na documentary, sina Vivian Torrente at Sonia Casiano Herkrath.

Filipino-American si Torrente na isinilang sa Pilipinas; at Pilipino rin si Sonia, ang chief nurse ni Safra.

Isinilang si Sonia sa Badoc, Ilocos Norte noong Hunyo 30, 1949 at nanirahan siya sa Amerika mula pa noong 1972.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tumestigo si Sonia laban kay Maher, na pinaniniwalaang may kagagawan ng krimen.

Kumbinsido si Sonia na si Maher ang dahilan ng pagkamatay nina Safra at Torrente, base sa mga pahayag niya sa documentary movie na may nakagugulat na katapusan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dalawang Pinay na sina Vivian Torrente at Sonia Casiano Herkrath, lead characters sa Murder in Monaco sa Netflix.
PHOTO/S: Netflix
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results