Biktima ng riding in tandem ang Italian-Candian actor-model na si Nico Locco noong Disyembre 10, 2025.
Pero dahil sa trauma na kanyang naranasan, ngayong Martes, Disyembre 24, 2025, lamang siya nagpasyang magsalita para mabigyan ng babala at mag-doble ingat ang ating mga kababayan.
Ibinahagi noon ni Nico sa Instagram Stories nito ang mga larawan niyang may sugat sa mukha at black eye, pero hindi siya nagbigay ng detalye tungkol sa kapahamakang naranasan.
Read: Singer Zack Tabudlo addresses “smelly,” "bad odor" comments

Ang mga natangay mula kay Nico ay ang kanyang bag na Louis Vuitton, iPhone, pitaka na may lamang PHP10,000, at driver’s license.
Hindi nakita ni Nico ang mga mukha ng mga kriminal dahil may mga suot itong helmet at facemask.
Ayon kay Nico, nangyari ang krimen sa Poblacion, Makati City, ganap na 11:30 P.M., habang papalabas siya mula sa isang bar.
“Naglalakad ako nung time na iyon. Kalalabas ko lang sa isang bar at pabalik na ako sa car ko, which is about a block away.
“Nag-stop yung dalawang riding in tandem at lumapit sa akin. I tried to fight back pero, unfortunately, they got my phone, wallet, and bag.
“They tried to get my gold necklace pero hindi natuloy. Sinuntok ako kaya may black eye ako sa right eye.
"I tried fighting back pero dalawa sila, e, and it happened super fast. We fought for a minute or so,” lahad ni Nico sa Cabinet Files.
Read: Ang dahilan kaya raw nag-selfie ang driver ni Catalina Cabral
NOT THE FIRST TIME
Agad nagpunta si Nico sa Makati Police Station para ipa-blotter ang pagnanakaw at pananakit sa kanya ng mga masasamang loob.
Lahad niya: “Nasa Makati Police Station yung report.
"Nakuha nila yung CCTV footage pero naka-mask yung dalawa kaya mahirap makilala.
“Yung nangyari sa akin is a warning to everyone to make extra ingat with their belongings and walking alone sa dark areas.
“Last year, I also had the same experience, sa same area at December din noon.
“Phone naman ang naagaw sa akin. Muntik na yung wallet ko pero I was able to hold on to it.
“May possibility na same people sila kasi nangyari sa similar place at black din ang motorcycle na dala nila.
"Kahit naka-mask yung isa, I could tell that the holdupper was parang smiling at me as they drove away.
“Grabe at crazy ang experience ko. Kailangan talagang mag-ingat sa labas, lalo na kapag Christmas season.
"Naghahanap ang mga holdupper ng mga mabibiktima para may panggastos sila sa Pasko.”
Nakausap ng Cabinet Files si Nico mula sa Italy dahil doon siya magdiriwang ng Pasko.
Read: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla cross paths at Zanjoe-Ria wedding; Daniel cozy with Kaila Estrada