Nananatiling buhay ang alaala ng American singer na si Whitney Houston, labintatlong taon matapos siyang bawian ng buhay noong Pebrero 11, 2012.
Ngayong 2025, sikat sa buong mundo at viral trend sa social media ang "Whitney Houston Challenge," ang pagsubok ng isang tao na sabayan ang drum hit sa kanyang iconic hit song na "I Will Always Love You."
Ang "Whitney Houston Challenge" ang isa sa pinakapopular na palaro ngayon sa mga Christmas party sa Pilipinas.
Kung drum at drum sticks ang ginagamit sa ibang bansa sa paglalaro ng "Whitney Houston Challenge," empty plastic bottles ng mineral water at softdrinks ang kadalasang gamit ng mga malikhaing Pilipino para sa isa sa mga pinakamatipid na palaro na naghahatid sa lahat ng kasiyahan.
Read: Singer Zack Tabudlo addresses “smelly,” "bad odor" comments
KORINA SANCHEZ AND RICHARD FAULKERSON SR.
Si Korina Sanchez at ang tatay ni Alden Richards na si Richard Faulkerson Sr. ang dalawa sa mga personalidad na nakitaan ng galing sa paglalaro ng "Whitney Houston Challenge" game.
Ang viral "Whitney Houston Challenge" ang dahilan kaya muling sumikat ang kanta ni Whitney at nakilala siya ng mga kabataang hindi na naabutan ang pamamayagpag niya noon.
Si Whitney ang isa sa pinakamahusay na mang-aawit ng kanyang henerasyon, pero malungkot ang pagwawakas ng kanyang buhay dahil nalulong siya sa masamang bisyo.
Read: Whitney Houston dead at 48
"I WILL ALWAYS LOVE YOU"
Maaaring marami ang hindi nakakaalam na si Dolly Parton at hindi si Whitney ang sumulat at kumanta ng "I Will Always Love You"
Isinulat ni Dolly ang kanta noong 1973 bilang pagbibigay-pugay sa kanyang dating business manager at mentor na si Porter Wagoner nang magdesisyon siyang personal na pamahalaan ang kanyang singing career.
Ang "I Will Always Love You" ang isa sa mga hit song ni Dolly.
Pero higit na naging popular ang kanta nang i-record ito ni Whitney noong 1992 para sa soundtrack ng The Bodyguard, ang pelikulang pinagbidahan nila ni Kevin Costner.

Nahigitan ng bersiyon ni Whitney ang tagumpay ng original song ni Dolly.
Bukod sa commercial success nito, ang "I Will Always Love You" ang itinanghal na Record of the Year at humakot ng mga parangal sa 36th Grammy Awards noong 1994.
Ang award-winning Canadian composer na si David Foster ang producer at re-arranger ng "I Will Always Love You" na inawit ni Whitney.
Sa panayam kay David ng New York Times noong Nobyembre 2025, nagbigay siya ng opinyon tungkol sa viral "Whitney Houston Challenge."
Saad niya: “It’s just so random. It would have been so logical for me to keep it right on the beat.
“I think it’s fun. It sort of made me rethink of how long the pause is.”
Nagbigay rin siya ng tip para sa mga maglalaro ng Whitney Houston Challenge: “There’s a keyboard in the background that starts playing right before the drum beat hits. Maybe that will help people.”
Read: News reporter Nico Waje, umalis na sa GMA Integrated News