Nabigla ang mga dumalo sa Christmas Eve Mass sa Our Mother of Perpetual Help Parish, Springville Heights, sa Bacoor City, Cavite, noong Miyerkules, Disyembre 24, 2025, dahil sa pagdating ng mag-asawang sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
Si Rev. Fr. Mark Reyes ang nagdaos ng misa.
Pagkatapos nito, inumpisahan niya ang pagkanta ng "Silent Night, Holy Night."
Read: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla cross paths at Zanjoe-Ria wedding; Daniel cozy with Kaila Estrada
Laking gulat ng mga dumalo sa misa nang magpunta sa harap ng altar sina Sarah at Matteo, kasama si Gianna, ang pamangking babae ng aktor, dahil sumabay ang mag-asawa sa pagkanta ng classic Christmas song.
Dahil sa labis na tuwa ay nagpalakpakan ang mga taong nasorpresa nang husto sa nakakabulagang eksena na nasaksihan. Pero nagawa pa rin nilang sumabay sa pag-awit ng kanilang mga espesyal na bisita.
MATTEO'S INTRIGUING MESSAGE
Malapit na kaibigan nina Matteo at Sarah si Fr. Mark kaya pinaniniwalaang pinaunlakan nila ang imbitasyon sa kanila ng pari na maging bahagi ng Christmas Eve Mass ng Our Mother of Perpetual Help Parish.
Matapos kumanta, bumati sina Matteo at Sarah sa lahat.
“Merry Christmas po sa ating lahat. Kung hindi natin mabago sila, magbago tayo,” mensahe ni Matteo, na dahilan para matawa at magduda ang mga dumalo sa misa na may kinalaman ang kanyang pahayag tungkol sa mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa mga katiwalian.
Hinangaan din ang simpleng-simpleng kasuotan ni Sarah, na hindi nawawala ang mga ngiti sa labi.
Read: News reporter Nico Waje, umalis na sa GMA Integrated News