PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Content creator, viral sa pagsisiwalat ng panloloko ng girlfriend

Content creator, ginawang content ang panloloko ng girlfriend
by Jojo Gabinete
Published Dec 26, 2025
vinz jimenez girlfriend
Vinz Jimenez, a bit player and content creator, trended on social media after posting videos exposing his girlfriend’s alleged cheating and breaking up with her.
PHOTO/S: Facebook

Viral sa social media mula pa noong Pasko, Disyembre 25, 2025, ang bit player na si Vinz Jimenez dahil sa mga video na inilabas nito laban sa kanyang kasintahan na inakusahan niya ng cheating.

Kasalukuyang popular search sa social media ang pangalan ni Vinz, pero sa hindi magandang dahilan.

Tumatanggap siya ng mga batikos dahil sa kanyang lantarang panghihiya sa girlfriend na binigyan niya ng Christmas gift.

Read: News reporter Nico Waje, umalis na sa GMA Integrated News

Laman ng regalo ang mga kopya ng screenshot ng diumano’y pakikipagpalitan ng mensahe ng karelasyon ni Vinz sa ibang lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malinaw ang motibo ni Vinz na gumanti at ipahiya ang babae.

Kinunan niya ng video ang lahat ng kaganapan — mula sa pagbabalot sa regalo, pagsundo sa kasintahan na sumakay sa kanyang kotse, pagbubukas sa regalo, ang kanilang mahabang pag-uusap, hanggang sa magdesisyon siyang tapusin ang relasyon nila.

Pinairal ni Vinz ang emosyon kaya naging hangal siya nang gawin niyang content para sa social media ang mga video na kanyang ginamit para gantihan ang girlfriend na inaakusahan ng pangloloko.

Read: Anthony, Jamela, Maris: The unfinished tale of a messy breakup

POSSIBLE COMPLAINTS AGAINST VINZ JIMENEZ

Ang mga kaso ng paglabag sa Data Privacy Act of 2012, cyber libel, at Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children ang ilan sa mga kasong puwedeng isampa laban kay Vinz dahil sa ginawa nito sa kanyang kasintahan.

Huli na para burahin ni Vinz ang mga video na nagpahamak sa kanya dahil pinagpasa-pasahan na ito ng netizens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumalat na ang mga matitibay na ebidensiya na maaaring gamitin ng dating girlfriend niya, kung sakaling magdesisyon itong maghain ng mga reklamo laban sa kanya.

Pinahiya man siya ni Vinz sa publiko, nakatatanggap ng simpatiya ang babae mula sa mga nakakaunawa sa kalagayan niya at sa mga taong nais makipag-ugnayan sa kanya na handang-handa umanong tulungan siya nang walang anumang kapalit para sa pagsasampa ng mga kaso laban sa ex-boyfriend.

Read: Jamela Villanueva, lumabag ba sa Data Privacy Act?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vinz Jimenez, a bit player and content creator, trended on social media after posting videos exposing his girlfriend’s alleged cheating and breaking up with her.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results