Gumawa ng kasaysayan ang mga matatapat na tagahanga nina Dustin Yu at Bianca De Vera — na kilala sa kanilang loveteam na DustBia — noong Linggo, Disyembre 28, 2025.
Kinikilala ng pamunuan ng Gateway Cinema Complex ang tagumpay ng 18 block screenings ng Love You So Bad, ang pelikulang kabilang sa mga kalahok sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF).
Itinuturing ng Gateway Cinema Complex management na isang kasaysayan ang nilikha ng DustBia fans dahil naganap ang 18 block screenings sa loob lamang ng isang araw.
Kasabay ng 18 block screenings ng Love You So Bad sa Gateway Cinema Complex ang mga block screening sa Cinema 76, SM North Cinema, at SM Mall of Asia.
Read: REVIEW: Love You So Bad is not just fan service, it's a solid rom-com
DUSTBIA FANS FULL SUPPORT FOR LOVE YOU SO BAD
Dumalo sina Dustin at Bianca sa mga block screening ng kanilang pelikula para personal na pasalamatan ang mga tagahanga nilang miyembro ng fans club: Kaldero Squad, DustBiaverse, Dyuniverse and Anzel Duo, DustBia Official, Titas of DustBia, DustBia Warriors, Katips of DustBia, Ninangs of DustBia, Witches of DustBia, Papsination, at Powerpaps.
Ibang-iba na ang panahon ngayon dahil ang mga tagahanga na ang gumagastos ng malaki para sa kanilang mga iniidolong artista.
Napatunayan ito sa 21 block screenings ng MMFF 2025 movie nina Dustin at Bianca, kasama si Will Ashley.
Ang mainit na suporta na ipinakita ng masusugid na tagahanga nina Dustin at Bianca ang matibay na ebidensiyang sikat at matagumpay ang loveteam nila na produkto ng reality show na kanilang sinalihan, ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.

Si Mark Salamat ang general manager ng VP Global Athlete and Artist Management, ang talent management agency na namamahala sa showbiz career ni Dustin.
Saksi raw siya sa nakakagulat na simultaneous block screenings ng Love You So Bad.
Mensahe ni Mark sa kanyang Facebook post: “The truest Collab isn’t just chemistry on screen—it’s the relationship among the actors and the support system behind them. You. That’s what truly spells SUCCESS.
“Thank you for a record-breaking 21 block screenings in a single day, DUSTBIAs!
"This feels like only the beginning of decades-long entertainment feats. Enjoy the ride!”