“DISREGARDED in the Philippines!!! HONORED in other COUNTRIES!!!”
Ito ang Facebook post na mababasa sa joint Facebook account ni Marcelito Pomoy at ng kanyang asawang si Joan ngayong Huwebes, Enero 1, 2026.
Read: Former beauty queen-actress Maria Sovietskaya Bacud, biktima ng death hoax
MARCELITO POMOY PERFORMS IN FRONT OF TRUMP
May kinalaman ang nakakaintrigang social media post sa video ng pagtatagpo ni Marcelito at ni U.S. President Donald Trump sa New Year’s Eve party na naganap sa Mar-a-lago Club sa Palm Beach, Florida, USA, noong Miyerkules, Disyembre 31, 2025.
Pag-aari ng Pangulo ng Amerika ang Mar-a-lago Club.
Isa si Marcelito sa mga nagtanghal sa New Year’s Eve bash kaya nagkaroon siya ng pagkakataong makilala at makausap nang personal si Trump.
Buong pagmamalaking ibinahagi ni Joan ang video ng kanyang asawa at ni Trump.
Caption niya rito: “Marcelito Pomoy not only took photos but also shook hands and had a brief conversation with PRESIDENT TRUMP!!
“Congratulations, hearty ko! We are so proud of you! See you soon!"
Nilagyan niya ito ng hashtags na #MeetUpWithPOTUS, #PerformToPresidentTrump, #NYCelebrationInMar-A-Lago, #AchievementUnlocked, #ShakeHandWithPresident
Sinundan ito ng Joan ng kontrobersiyal at tila may pait na mga salitang “DISREGARDED in the Philippines!!! HONORED in other COUNTRIES!!!"
Read: VIRAL: Move It rider, binantaang gigripuhan ng lasing na pasahero
MARCELITO POMOY: SEASON 2 PILIPINAS GOT TALENT WINNER
Maaaring may malalim na dahilan ang pinanggagalingan ng tampo ni Joan sa Pilipinas at sa mamamayang Pilipino.
Pero imbes na pairalin ang tampo at “bitterness,” dapat maging maligaya na lamang siya sa malayong narating ng singing career ng kanyang mister.
Hindi rin dapat kalimutan ni Joan na pinarangalan at kinilala sa Pilipinas ang husay sa pagkanta ni Marcelito dahil ito ang itinanghal na grand winner sa second season ng talent reality competition na Pilipinas Got Talent noong Hunyo 2011.
Ang tagumpay na tinamasa ni Marcelito mula sa pagsali nito sa Pilipinas Got Talent Season 2 ang dahilan kaya narating niya ang kanyang kinaroroonan sa kasalukuyan.
Dapat na isaisip ni Joan na mas mahalaga ring manatilig mapagkumbaba, sa gitna ng mga tagumpay na nararanasan, dahil may higit na mataas na karangalan kesa makausap nang sandali at makipagkamay kay Trump.
Read: Mark Mugen on Top of His Game