PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Multo" ng Cup of Joe, theme song ng Anne-Jericho reunion movie

Teaser ng Anne-Jericho movie, umabot na ng five million views.
by Jojo Gabinete
Published Jan 1, 2026
the loved one
The teaser of The Loved One, the reunion movie of Anne Curtis and Jericho Rosales, surpassed five million organic views just 24 hours after its release.
PHOTO/S: Viva Films

Limang milyon ang organic views sa loob lamang ng 24 oras ang teaser ng The Loved One, ang Valentine Day’s presentation ng Viva Films sa 2026.

Mga bida sa The Loved One sina Anne Curtis at Jericho Rosales.

Ang five million organic views sa teaser ng kanilang pelikula ang indikasyong malakas na interes ng publiko sa reunion project nila na itatanghal sa mga sinehan simula sa February 11, 2026.

Labing-walong taon na ang nakalilipas mula nang magtambal sina Anne at Jericho sa Baler, ang romantic war movie na opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2008 na nagbigay sa kanila ng acting awards, best actress, at best actor, respectively.

Abril 2024 nang ibahagi ni Anne sa Instagram post nito ang larawan niya, kasama si Jericho at ang direktor na si Irene Villamor na isang pahiwatig tungkol sa proyektong gagawin nila.

Agosto 2025 nang kumpirmahin ng PEP na The Loved One ang pamagat ng pelikulang pagsasamahan nina Anne, Jericho, at Direk Irene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, noong Disyembre 30 nang ilabas ng Viva Films ang teaser ng proyekto at ang impormasyong mapapanood ito sa mga sinehan sa Pebrero 11, 2026.

Read: Anne Curtis at Jericho Rosales, muling magtatambal sa pelikula

THE LOVED ONE THEME SONG

Ang "Multo," ang phenomenal hit song ng Cup of Joe, ang theme song ng The Loved One.

Pinaniniwalaang malaki ang maitutulong ng nabanggit na kanta sa tagumpay ng pelikula nina Anne at Jericho.

Hindi ito ang unang pagkakataong ginamit ang popular song ng Cup of Joe sa pelikula.

Ang kanilang 2022 hit na "Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko" ang pamagat ng Aga Muhlach-Julia Barretto starrer noong February 2024.

Tulad ng The Loved One, ang "Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko" ang Valentine’s Day offering ng Viva Films.

Tila nalilinya ang Cup of Joe sa mga pelikulang ipinalalabas tuwing Araw ng Mga Puso.

Pero ang kaibahan lang, sikat na sikat na sila ngayon kesa noong 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Trivia: Si Marion Aunor ang sumulat at orihinal na mang-aawit ng "Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko" na ginamit bilang theme song ng Ang Pambansang Third Wheel, ang 2018 movie nina Yassi Pressman at Sam Milby.

Pero higit na sumikat at tinangkilik ng publiko ang cover version ng Cup of Joe.

Read: Heated Rivalry star Hudson Williams, walang dugong Pinoy

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The teaser of The Loved One, the reunion movie of Anne Curtis and Jericho Rosales, surpassed five million organic views just 24 hours after its release.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results