Business Management ang kursong natapos ng aktor na si Rob Gomez sa Southville International School Affiliated with Foreign Universities (SISFU) sa Las Piñas City bago natapos ang 2025.
Ito ang isang magandang pangyayari sa kanyang buhay na ibinalita niya sa Cabinet Files.
Read: Raul Rocha, tinawag na "delusional fool" si Chavit Singson
Inialay ni Rob ang college diploma nito sa kanyang lola, ang dating aktres na si Agnes Moran, at sa kanyang ina, ang former actress ding si Kate Gomez.
Mensahe niya: “I took another step. I had a lot of time to get everything in order. And a lot of plans to fulfill.
"Thankful for everyone who helped, encouraged and believed in me along the way, especially to my mom that never gave up on me. This one was for her and my lola."

Read: Ex-PGT contestant Mark Joven Olvido, nakalaya na
ONE STEP AT A TIME
Tahimik na nakumpleto ni Rob ang kanyang Business Management course na pinagtuunan niya ng panahon at atensiyon noong nakaraang taon.
Habang naghihintay siya sa pag-uumpisa ng kanyang showbiz projects, plano ni Rob na gamitin sa negosyo ang kursong tinapos niya.
Saad niya: “I do have new projects coming soon, but I would like to take one step at a time.
"Apply what I have learned in the process. Learn and do business with friends and or family.”
Maraming aral daw ang natutunan ni Rob mula sa kanyang mga personal na karanasan sa buhay na naging masalimuot noong 2025 at nakaapekto sa showbiz career niya.
“I would like to learn more about life and how to get better at it. Prepare for the near future and have fun doing it,” aniya.
Read: Anton Vinzon, Rave Victoria become first PBB: Celebrity Collab 2.0 evictees of 2026