Araw-araw na nag-aalay ng panalangin ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) sa official Facebook page nito para sa kaligtasan ng mga pasahero ng MRT-3.
Pero noong Enero 5, 2026, nalagay sa panganib ang mga pasahero sa MRT-Cubao station dahil wala nang espasyo at nagsisiksikan ang mga nakasakay sa escalator at ang mga commuter sa platform na naghihintay sa pagdating ng tren.
Muntik nang "ma-final destination at magkaroon ng stampede" ang pagsasalarawan ng kumuha at nagpakalat ng video sa social media.
Read: Vice Ganda claps back at netizen over viral “Sino ’to?” video
DOTR ISSUES APOLOGY
Nang mag-viral ang video na lubhang nakababahala, saka pa lamang humingi ng paumanhin ang pamunuan ng DOTr-MRT 3 ngayong Miyerkules, Enero 7.
Nakasaad dito: “The DOTr-MRT-3 sincerely apologizes to our passengers for the congestion and inconvenience they experienced yesterday morning, January 5, around 7:25 a.m.
“We acknowledge the concerns raised from the video circulating online and recognize that passengers were allowed to access the platform despite existing congestion, resulting in overcrowding when the incoming train arrived. We fully understand the discomfort and safety concerns this has caused and take responsibility for the situation.
“Our personnel are intensifying monitoring and coordination on the ground to improve crowd management and ensure a safer, more orderly commute, especially during peak hours.
“Transportation Secretary Giovanni Lopez has already instructed MRT-3 General Manager Michael Capati to implement all necessary measures to prevent this incident from happening again.
“We thank the public for their patience and understanding as we work to improve our services.”
Hindi ito ang unang insidente na nagkaroon ng siksikan at namiligro ang kaligtasan ng mga pasahero ng MRT-3 at iba pang pampublikong transportasyon.
Halos araw-araw ang dinaranas na kalbaryo ng mga mamamayang Pilipino na bumibiyahe.
Tila normal nang tanawin sa MRT-3 stations ang mahahabang pila at pagsisiksikan ng mga pasahero lalo na tuwing rush hours.
Sa ngayon ay wala pang malinaw na solusyon ang pamahalaan sa lumalalang problema sa pampublikong transportasyon, at idagdag pa ang matinding traffic sa maraming kalsada sa Metro Manila.
Maliban sa anomalya ng flood control projects, dapat ding pagtuunan ng pansin ng mga nasa gobyerno ang problemang ito sa transportasyon.
Sa laki ng kinakaltas na tax sa suweldo ng bawat manggagawang Pilipino, hindi naman siguro kalabisan na humiling na maayos na pampublikong transportasyon sa halip na ibulsa lamang ng mga ganid sa pamahalaan.
Read: Janus del Prado under fire for tirades against Carla Abellana