Kumpirmado ang pagdalo ng Heated Rivalry stars na sina Hudson Williams at Connor Storrie bilang presenters sa 83rd Golden Globe Awards na gaganapin sa Beverly Hilton, Beverly Hills, California, sa Linggo, Enero 11 2026 (U.S. time).
Sina Hudson, 24, at Connor, 25, ang breakout stars ng phenomenal hit Canadian queer series na Heated Rivalry.
Ang partisipasyon nila sa Golden Globe Awards ang kauna-unahang pagkakataon na mapapanood silang magkasama sa gabi ng parangal ng isa sa mga nirerespetong award-giving body sa Amerika.
Read: Legendary Korean actor Ahn Sung Ki dies at 74
Sumikat at nakilala sa buong mundo sina Hudson at Connor dahil sa mga karakter na kanilang ginampanan — sina Shane Hollander at Ilya Grigoryevich Rozanov, ang star players ng ice hockey teams na nagkaroon ng lihim na relasyon na humantong sa seryosong pagmamahalan.
Napansin sa Heated Rivalry ang husay sa pag-arte at ang hindi maipagkakailang chemistry nina Hudson at Connor, na naging instrumento sa kanilang pagsikat at phenomenal global success ng kanilang series.

FROM WAITERS TO FAMOUS CELEBRITIES
Kapwa nagtatrabaho bilang waiters sina Hudson at Connor bago ipinagkatiwala sa kanila ang pagbibida sa Heated Rivalry.
Nag-umpisa noong Abril 2025 ang shooting nila para sa Canadian sports-romance series na nilikha, isinulat, at mula sa direksiyon ni Jacob Tierney.
Halaw ito sa Game Changers novel series ni Rachel Reid.
Unang ipinalabas ang Heated Rivalry sa Canadian streaming site na Crave noong Nobyembre 28, 2025 bago ito napanood sa HBO Max.
May anim na episodes ang first season ng Heated Rivalry, at ipinalabas ang huling kabanata nito noong Disyembre 28, 2025.
Ang Heated Rivalry ang nangunguna na TV series sa HBO Max hanggang sa kasalukuyan at sentro na rin ng usapan sa Pilipinas.
Hindi nawawalang trending topic sa social media platform na X ang Heated Rivalry at ang mga pangalan nina Hudson at Connor buhat nang sumikat sila at ang kanilang TV series.
Read: Heated Rivalry star Hudson Williams, walang dugong Pinoy