Sina Michelle Dee at Shuvee Etrata ang magbibida sa Red Crown, ang pelikulang co-production venture ng GMA Pictures at ng business personalities na sina former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson at Pinky Tobiano.
Naganap ang pirmahan ng kontrata sa pagitan nina Singson, Tobiano, at ng presidente ng GMA Pictures na si Atty. Annette Gozon-Valdes noong Miyerkules, Enero 7, 2026.
Dumalo rin sa contract signing ang ilang cast ng pelikula.
Ang Red Crown ay tungkol sa buhay ng beauty queens.
Read: Melanie Marquez claims she was placed in mental and rehab facilities without consent
FIRST MOVE OF THE "FUTURE OWNER" OF MISS UNIVERSE ORGANIZATION?
Diumano, ito ang unang hakbang ni Singson bilang “future owner” ng Miss Universe Organization.
Nagpakita si Singson ng masidhing interes na mabili ang kontrobersiyal na international beauty pageant na ikinagalit ni Miss Universe Organization President Raul Rocha.
Tinawag ni Rocha na “delusional fool” si Singson dahil sa intensiyon nitong bilhin ang Miss Universe Organization.
“I’m fed up with that delusional fool and his daughter making statement, dreaming of something he wouldn’t be able to achieve in a hundred years. Keep dreaming, my lawyers will put an end to your fairy tales,” maanghang na pahayag ni Rocha laban kay Singon sa Instagram post nito noong Enero 3, 2026.
Read: Raul Rocha, tinawag na "delusional fool" si Chavit Singson
Imbes na sagutin ang pang-iinsulto sa kanya ni Rocha, ang pagpo-produce ng pelikula tungkol sa beauty queens — na diumano’y prelude sa pangarap niyang mabili ang Miss Universe Organization — ang ginawa ni Singson.
Malaki ang kontribusyon sa pagpapatalsik kay dating Presidente Joseph Estrada mula sa puwesto nito noong Enero 2021.
May mga naniniwala na kung nagawa ni Singson na mapaalis sa posisyon ang Presidente ng bansa na gaya ni Estrada, may kakayahan din daw itong mapababa mula sa puwesto si Rocha, na presidente lamang ng isang international beauty pageant.
Read: Filipino singer Gwyn Dorado places second on South Korea's Sing Again 4