Trigger Warning: Self-harm, gambling
Naranasan ng dating SexBomb founder, manager, choreographer, at TV producer na si Joy Cancio na ma-confine noon sa ICU ng isang ospital dahil sa paglunok niya ng isang bote ng tabletas ng antihistamines para makatulog.
Nangyari ang malungkot na karanasan ni Joy noong panahong nalulong siya sa casino.
Pero ito rin daw ang naging daan para makilala niya ang Panginoong Diyos.
Read: Michael Pacquiao's girlfriend Joyce Tan Custodio breaks silence on age-gap issue
“Gumive-up ako pero nung naramdaman ko na yung ginawa kong hindi tama, nanikip ang dibdib ko. I took a bottle of antihistamine to just sleep,” rebelasyon ni Joy sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Huwebes, Enero 8, 2026.
“Nanikip ang dibdib ko. Naku, dun ko tinawag ang Panginoon. Nanghingi ako ng tawad.Sabi ko, ‘Lord, forgive me for what I have done.’
“Hanggang napunta ako sa emergency room, na-ICU ako, yun lagi ang nasa… 'Lord, forgive me for what I have done.'
"And I am so grateful to the Lord kasi ito na yung second life ko and I know, hindi ko pinagsisisihan.
“Ito pala yung way para maging malapit ako sa Panginoon.
"Lahat naman tayo may purpose so choice na lang natin kung ayaw ninyong magbago o gusto mong magbago.”
JOY CANCIO ON PAST GAMBLING ADDICTION
Natutong magsugal at napadalas ang pagpunta ni Joy sa casino noong kasikatan ng SexBomb dahil sa pagrerebelde niya laban sa mga akusasyong mas malaki ang kinikita niya kesa sa kanyang mga talent.
Saad ni Joy: "'Sumisikat na, nagkakapangalan na, ako yung masama.'
"Parang ganoon, mas malaki raw ang kita ko. Yun ang mga nakikita ko.
“Nasaktan ako in a way, parang nagrebelde.
"Hanggang makita ko na, na-meet ko itong si One-Arm Bandit sa casino. So, nalulong ako dun.
"Yun ang masamang-masamang ginawa ko sa buhay ko na alam ko, dun ko na-realize na God loves us. Hindi Niya pababayaang malugmok tayo.
“Natutuwa ako kapag nakaka-jackpot kasi nag-iisa lang ako dahil kaming dalawa lang ng machine.
"Pero kapag natatalo ka na, gusto mong bumawi. Evil works talaga.
“Para kang naa-addict. Ayaw mong tumayo pero walang katapusan. Nanalo ka, ayaw mo pang umalis.”
Read: Melanie Marquez claims she was placed in mental and rehab facilities without consent