PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jaime Yllana, nag-apologize sa mga birada ng amang si Anjo

Jaime Yllana, sinabi sa huli ay ama pa rin niya si Anjo.
by Jojo Gabinete
Published Jan 8, 2026
jaime yllana dad anjo yllana
Jaime Yllana on dad Anjo Yllana: “Kahit anong maling gawin ng tatay ko, kailangan kong matutong pagbigyan siya. Siyempre, siya yung nagpalaki sa akin. I wouldn’t be here without him.”
PHOTO/S: Viva One Facebook / Instagram

Kabilang ang anak ni Anjo Yllana na si Jaime Yllana sa cast ng My Husband Is A Mafia Boss, ang upcoming series ng Viva One na pinangungunahan nina Joseph Marco at Rhen Escaño.

Sa cast reveal media conference ng My Husband Is A Mafia Boss na ginanap sa Viva Café, Quezon City, ngayong Huwebes ng gabi, Enero 8, 2026, tulad ng dapat asahan, ang isyu tungkol sa tatay niya ang itinanong kay Jaime.

Noong Disyembre 1, 2025, nagdeklara si Anjo na hindi na siya magpapaunlak magsalita tungkol sa mga isyung kinasasangkutan nila ng mga dating kasamahan niya sa Eat Bulaga! para hindi na raw humaba ang usapin.

Kasunod nito ay nahinto ang matitinding online bashing sa kanya.

Read: Anjo Yllana, may mga "pasabog" kina Jose Manalo at Allan K

JAIME YLLANA APOLOGIZES FOR DAD ANJO'S TIRADES AGAINST EB HOSTS

Sa pakikipag-usap ni Jaime sa entertainment press ngayong gabi, humingi siya ng paumanhin sa pagsasalita na ginawa ng kanyang ama tungkol sa mga dating katrabaho nito sa Eat Bulaga!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung tatay ko kasi, at the end of the day, he’s my dad," saad ng 23-anyos na anak ni Anjo.

"Sa bahay, tatay ko talaga siya, so nakikita ko talaga yung pinagdadaanan niya.

“Alam ko naman, pasensiya po sa lahat, na may nagagawa siyang mali at naiintindihan ko naman na ganoon talaga."

Pero diin ni Jaime, sa huli ay ama pa rin niya si Anjo kaya ang tanging magagawa lang daw niya ay ang intindihin ito at bigyan ng payo.

Saad niya: "Wala, tatay ko siya. Mahal ko siya kaya kailangan kong intindihin na ganoon siya.

"Bigyan siya ng advice, kasi siyempre mga kaibigan din niya yung pinag-uusapan niya kaya medyo nakontrol niya.

“Kahit anong maling gawin ng tatay ko, kailangan kong matuto na pagbigyan siya.

"Siyempre, siya yung nagpalaki sa akin. I wouldn’t be here without him.”

Hindi raw nakakalimot si Jaime na payuhan ang tatay niya dahil parang magkapatid at matalik na magkaibigan daw ang samahan nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Honestly, parang magkapatid kami," sambit ni Jaime.

"Ganoon yung relationship namin. Para kaming mag-bestfriend.

"Sinasabi ko lang sa kanya na, ‘Alam mo minsan sa buhay, kailangan i-keep private.'

“Like siyempre, artista tayo or in the spotlight, but some things need to be in private.

"Hindi naman lahat kailangan sabihin sa media na, ‘Oy ganito ako, ganyan ako.’”

Read: Anjo Yllana to Maine Mendoza: “No talk, no mistake.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaime Yllana on dad Anjo Yllana: “Kahit anong maling gawin ng tatay ko, kailangan kong matutong pagbigyan siya. Siyempre, siya yung nagpalaki sa akin. I wouldn’t be here without him.”
PHOTO/S: Viva One Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results