PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mga anak ni Yanalovesyouuu, kasama sa My Husband Is A Mafia Boss

Wattpad novel My Husband Is A Mafia Boss, ginawang series ng Viva One.
by Jojo Gabinete
Published Jan 9, 2026
yanalovesyouuu children
Kian and Cassandra (inset), the children of late Wattpad author Yanalovesyouuu (“My Husband Is a Mafia Boss”), will make a special appearance in the Viva One adaptation of their mother’s novel.
PHOTO/S: Instagram / Viva One Facebook

Mula sa Batangas City, lumuwas sa Quezon City ang mga magulang at anak ng Wattpad author na si Diana Marie Serrato Maranan noong Huwebes, Enero 8, 2026.

Dumalo sila sa cast reveal at media conference sa Viva Café ng My Husband is a Mafia Boss, ang series ng Viva One na pagbibidahan nina Joseph Marco at Rhen Escaño.

Si Diana ang author ng My Husband is a Mafia Boss, ang bestselling Wattpad story na may mahigit sa 218 million reads.

Ginamit ni Diana ang pen name na Yanalovesyouu nang isulat niya ang Wattpad story na isa nang series na mapapanood sa Viva One.

Read: Michael Pacquiao's girlfriend Joyce Tan Custodio breaks silence on age-gap issue

YANALOVESYOUUU'S DEATH

Sa kasamaang-palad, hindi na naabutan ni Diana ang television adaptation ng kanyang katha dahil pumanaw siya sa edad na 34 noong Pebrero 20, 2024.

Ikinabigla ng kanyang mga tagahanga ang pagpanaw niya

Ayon sa ama ni Diana na si Mario Serrato, acute myocardial infarction ang ikinamatay ng kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naulila ni Diana ang dalawang anak nitong sina Kian at Cassandra.

YANALOVESYOUUU'S CHILDREN

Umakyat sa entablado si Mario, ang misis niyang si Daisy Serrato, at ang mga anak ni Diana upang magbigay ng mensahe.

yanalovesyouuu family
Yanalovesyouuu's family attends the mediacon for My Husband Is Mafia Boss: (from left) her parents Mario and Daisy Serrato and her children Kian and Cassandra
Photo/s: Viva One Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nagpapasalamat po ako sa inyong lahat. Sa lahat ng kanyang mga kaibigan, sa lahat po ng tumatangkilik sa ginawa ng anak ko, ako po ay nagpapasalamat.” nanginginig ang boses na mensahe ng ama ni Diana.

Magkakaroon ng espesyal na partisipasyon sa My Husband is a Mafia Boss ang mga anak ni Diana.

Io ang ibinalita ng magkapatid nang mabigyan sila ng pagkakataong magsalita.

“Actually, masaya po kami, pero I would like to keep it a secret muna,” sagot ni Kian nang tanungin ito tungkol sa karakter niya sa isasadula na akda ng kanyang ina.

Dagdag niya, “ I am very grateful po na sobrang dami po na nagsusuporta sa mommy ko, even though she passed away na po.”

Nangako naman si Cassandra na gagawin nito ang lahat para mabigyang-buhay nang maayos ang papel na gagampanan niya sa My Husband is a Mafia Boss, kahit nangingibabaw ang kanyang nararamdamang hiya.

Read: Juliana Gomez, Ricci Rivero spotted holding hands at a mall

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kian and Cassandra (inset), the children of late Wattpad author Yanalovesyouuu (“My Husband Is a Mafia Boss”), will make a special appearance in the Viva One adaptation of their mother’s novel.
PHOTO/S: Instagram / Viva One Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results