PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gene Padilla, dumanas ng bashing dahil sa Dennis-Claudia issue

Gene Padilla: "Kung meron man pag-uusap, it’s between the family."
by Jojo Gabinete
Published Jan 10, 2026
Gene Padilla stands by his defense of brother Dennis Padilla at the height of Claudia Barretto's controversial wedding
Gene Padilla (left, main) idiniin na ayaw niyang makialam sa estranged relationship ng kapatid na si Dennis Padilla sa mga anak nito. Kasama si Gene ng kapatid na si Dennis Padilla (main and inset) nang dumalo noong April 2025 sa kasal ni Claudia Barretto (inset).
PHOTO/S: Gene Padilla on Facebook (main); @mindclouds on Tiktok

Tungkol sa mental health at bullying ang kuwento ng Breaking The Silence, ang pelikula ng Gummy Entertainment Productions.

Ang cast ay pinangungunahan nina Ramon Christopher, Pinky Amador, Bugoy Cariño, Gray Weber, Gene Padilla, Shira Tweg, at Potchi Angeles.

Naganap ngayong Sabado ng gabi, Enero 10,2026, sa Cinema 7 ng Trinoma Mall ang red-carpet premiere ng Breaking The Silence.

Nang matapos ang screening, nagkaroon ng pagkakataon ang entertainment press na makapanayam ang mga artista ng pelikula.

Noong Abril 2025, naranasan ni Gene, 57, na maging biktima ng online bullying.

Dahil ito sa pagsasalita niya tungkol sa diumano’y kawalan ng importansya na naranasan nila ng kapatid na si Dennis Padilla at ng ina na si Catalina Dominguez nang dumalo sila sa church wedding nina Claudia Barretto at Basti Lorenzo.

Si Claudia ang anak ni Dennis at ng ex-wife nito na si Marjorie Barretto.

Naging malaking isyu noon ang pag-alma ni Dennis dahil sa kawalan niya ng role bilang "father of the bride" liban sa pagiging bisita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dennis Padilla heartbroken after being treated as "visitor" at daughter Claudia's wedding

Kasama ni Dennis na dumalo sa okasyon si Gene at ina nilang si Catalina Dominguez.

Binatikos nang husto ng netizens noon si Dennis dahil ito pa raw mismo ang gumawa ng eskandalo sa kasal ng anak.

Dinepensahan noon ni Gene si Dennis, kaya siya man ay nakatikim ng online bashing.

Read: Gene Padilla defends brother Dennis's wedding-guest rant

GENE PADILLA ON HANDLING BASHERS

Sa media conference ng Breaking The Silence, tinanong si Gene tungkol sa natutunan niya sa isyu.

Balik-sagot ni Gene: "Dapat anong natutunan nila, hindi po ako.

"Dahil unang-una, yung bashers, actually, that was the first time na nagkaroon ako ng ganoon karaming bashers dahil hindi naman ako sanay sa ganoon."

Tulad ng pamagat ng pelikula, tuluyan nang binasag ni Gene ang pananahimik dahil napilitan siyang sagutin ang isyu matapos ang ilang buwan na hindi pagsasalita.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Matagal na po yung alitan, yung mga salitaan, pero never po ako nakialam naman.

"Kung meron man pag-uusap, it’s between the family.

"Sa side ko, with my brother, pero hindi naman kami sumagot na after nung interbyu ng kabila kasi kapag sumagot pa kami, hindi po matatapos.

"At kami’y parehong part nila, part namin. Pareho lang maaapektuhan, so ang pinili namin, maging isang mabuting tao na lang."

Ang tinutukoy niyang interbyu ay ang tell-all interview noon ni Marjorie kay Ogie Diaz.

Read: Marjorie Barretto claims kids are "terrorized" by Dennis Padilla

Idiniin ni Gene na pinaninindigan niya kung ano man ang nasabi niya noon para depensahan si Dennis laban sa bashers.

"At sa tanda ko na po ito sa industriya at bilang tao po, napakahirap para sa akin at sa aking kapatid na gumawa ng kuwento, lalo ang kuwento ng kasinungalingan.

"Kaya dapat mag-move on na lang tayo at hindi tayo kilala ng trolls na sinasabi, bashers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Lahat po sila, yan po ang tsismoso at tsismosa ng social media. So hindi na po sila dapat patulan."

Pagpapatuloy ni Gene: "Mabibigat po ang binitawan [laban] sa akin na sana mamatay na ako, mamatay na kapatid ko, at mamatay na ang nanay ko.

"Wala po silang narinig sa akin. Wala po kayong narinig sa akin kaya ayoko po na nagpapainterbyu.

"Natsambahan lang ako [ngayon]."

Dire-diretso pa ring pahayag niya: "Kasi naniniwala po ako na habang umeedad, habang tumatanda po tayo, it’s about time na lahat ng katampuhan, nakaaway ninyo, nakagalit ninyo, ito po ang tamang panahon po para mag-ipon na tayo ng kaibigan.

"Dahil sa edad namin na ito, napakaigsi na po ng oras namin."

Read: Dennis Trillo says "no issue" between wife Jennylyn, his parents

GENE PADILLA ON DENNIS'S CHILDREN WITH MARJORIE

Sa huli, tinanong si Gene tungkol sa relasyon niya ngayon sa kanyang mga pamangkin, partikular sa mga anak ni Dennis kay Marjorie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Marami po akong mga pamangkin. Kung may mga pamangkin po na ayaw sa amin o sa akin, okay lang po.

"Basta sila, gusto ko pa rin sila. Ganoon po talaga ang buhay. So God bless na lang to each and everyone."

Read: MMFF 2025 Unofficial Box-Office Results as of January 6, 2026

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gene Padilla (left, main) idiniin na ayaw niyang makialam sa estranged relationship ng kapatid na si Dennis Padilla sa mga anak nito. Kasama si Gene ng kapatid na si Dennis Padilla (main and inset) nang dumalo noong April 2025 sa kasal ni Claudia Barretto (inset).
PHOTO/S: Gene Padilla on Facebook (main); @mindclouds on Tiktok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results