PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ICE shooter sa Minneapolis, Pinay immigrant ang asawa

ICE agent, bumaril ng 3 beses at napatay ang 37-anyos na babae sa gitna ng ops.
by Jojo Gabinete
Published Jan 11, 2026
ICE agent Jonathan Ross, inaakusahang binaril at pinatay ang 37-year-old na si Renee Good sa Minneapolis, USA
ICE agent Jonathan Ross, na natukoy na bumaril kay Renee Good, ay natukoy na Iraq war veteran at may asawang Filipina. Sa kanan ay makikita ang litrato ni Ross kasama ng kanyang misis, solo picture ni Ross sa lugar na pinangyarihan ng kanyang pamamril, at screenshot ng mismong insidente. Nasa maliit na litrato ang ama ni Jonathan.
PHOTO/S: CTTO via @micah_erfan X Screenshot of Daily Mail

Pilipina ang asawa ni Jonathan Ross, 43.

Lumabas ang detalyeng ito dahil sa pinag-uusapang pamamaril at pagpatay niya kay Renee Nicole Good, 37.

Naganap ang trahedya sa gitna ng federal law enforcement operations sa Minneapolis, USA, noong Miyerkules, Enero 7, 2025.

Si Ross ang ahente ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) na inaakusahan ng pagpatay kay Good.

Ayon sa ulat ng Daily Mail, ang biktima at ang misis nitong si Rebecca Good ay sinasabing nasa lugar upang suportahan ang kanilang mga kapitbahay na payapang nagpoprotesta sa raid ng ICE.

Idiniin ni Rebecca na tanging mga pito lamang ang dala nila habang ang agents ay aramdo ng mga baril.

Isa itong malaking balita sa Amerika dahil bukod sa nakunan ng mga video ang trahedya, sinasabing si Ross ay supporter ni U.S. President Donald Trump.

Kinokondena ang karahasang ginawa ni Ross—ang pagbaril niya kay Good habang minamaneho nito ang sasakyan.

Depensa ng ICE agents, tinangka ng biktima na sagasaan ang kanilang kasamahan sa trabaho na si Ross.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gene Padilla, dumanas ng bashing dahil sa Dennis-Claudia issue

JONATHAN ROSS'S FATHER SPEAKS UP

Ipinagtanggol din si Ross ng ama nitong si Ed Ross, 80.

Sa panayam kay Ed ng Daily Mail, katuwiran niya, “She hit him. He also had an officer whose arm was in the car. He will not be charged with anything.

Papuri pa ni Ed sa anak na si Jonathan: "You would never find a nicer, kinder person. He's a committed, conservative Christian, a tremendous father, a tremendous husband. I couldn't be more proud of him."

Nanggaling kay Ed ang impormasyon na Pilipina at U.S. immigrant ang asawa ng anak niya, pero tumanggi siyang magbigay ng impormasyon kung kailan naging U.S. citizen ang kanyang manugang.

Read: Traslacion 2026: Debotong hinimatay, safe na; McCoy, nakahalik sa krus

WHO IS JONATHAN ROSS'S WIFE?

Nang banggitin ni Ed na Pilipina ang asawa ng anak niya, agad na nag-imbestiga ang netizens.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Madali nilang nalaman na Patrixia Aguinaldo Ross, 38, ang pangalan at edad ng asawa ni Jonathan. Kapwa doktor ang mga magulang ni Patricia na naninirahan sa Pilipinas.

Natuklasan din ng publiko na ikinasal ang mag-asawa noong 2012, base sa Instagram post ni Patrixia.

Isang kapitbahay ang nagkuwento sa Daily Mail na nakikita niya sa tahanan nina Jonathan at Patrixia sa Minneapolis ang pro-Trump flags at ang emblem ng Make America Great Again Movement—na biglang nawala matapos barilin at mapatay si Good.

Hindi na rin nakita ang mag-asawa sa kasalukuyan.

"The wife is polite, very nice, very outgoing; while he's [Jonathan] very reserved. They have a couple of kids,” ang pahayag sa Daily Mail ng kapitbahay tungkol sa ugali nina Patrixia at Jonathan.

Read: MMFF 2025 Unofficial Box-Office Results as of January 6, 2026

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ICE agent Jonathan Ross, na natukoy na bumaril kay Renee Good, ay natukoy na Iraq war veteran at may asawang Filipina. Sa kanan ay makikita ang litrato ni Ross kasama ng kanyang misis, solo picture ni Ross sa lugar na pinangyarihan ng kanyang pamamril, at screenshot ng mismong insidente. Nasa maliit na litrato ang ama ni Jonathan.
PHOTO/S: CTTO via @micah_erfan X Screenshot of Daily Mail
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results