PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TAPE Inc., di pa bayad ang TF nina Chariz, Buboy, Dasuri

Chariz Solomon: "Huy, 2026 na TAPE! Baka naman!"
by Jojo Gabinete
Published Jan 11, 2026
Chariz Solomon, inihayag na di pa rin nagbabayad ang TAPE Inc. ng kanyang talent fee dalawang taon mula nang matapos ang Tahanang Pinakamasaya.
Chariz Solomon, inihayag na di pa rin nagbabayad ang TAPE Inc. ng kanyang talent fee dalawang taon mula nang matapos ang Tahanang Pinakamasaya.
PHOTO/S: Screengrab from Your Honor

Halos dalawang taon na ang nakararaan mula nang magpaalam sa telebisyon noong Marso 2, 2024 ang noontime variety show na Tahanang Pinakamasaya, pero hanggang ngayon, hindi pa nababayaran ang talent fees ng mga host ng programa ng TAPE Inc.

Ang Tahanang Pinakamasaya ang ipinalit ng TAPE Inc. sa Eat Bulaga! noong Enero 6, 2024.

Ito ay matapos ilabas ng Marikina Regional Trial Court Branch 273 noong Disyembre 22, 2023 ang desisyon na sina Joey de Leon, Tito Sotto, at Vic Sotto ang may karapatang gumamit sa pamagat na Eat Bulaga!

Sina Chariz Solomon, Buboy Villar, Dasuri Choi, Paolo Contis, Isko Moreno at ang magkapatid na Mavy at Cassy Legaspi ang ilan sa mga host ng Tahanang Pinakamasaya.

Diumano, hindi pa binabayaran ng TAPE Inc. ang kanilang mga talent fee.

Si Chariz ang nagbulgar sa atraso ng TAPE Inc.

Nangyari ito sa January 10, 2026 episode ng Your Honor, ang podcast show nila ni Buboy sa YouLOL, ang YouTube comedy channel ng GMA Network Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Dasuri ang guest nina Chariz at Buboy sa Your Honor at ang utang ng TAPE Inc.sa kanila ang isiniwalat ni Chariz.

"Di ba, magkasama tayo sa Tahanang Pinakamasaya noon? Hindi ba, hindi pa tayo bayad. Huy, 2026 na TAPE! Baka naman!” ang rebelasyon ni Chariz.

Sabay patutsada pa ni Chariz, hindi na ang pagiging mabait ang New Year’s resolution niya dahil dalawang taon na niyang sinisingil ang pera na kanyang pinagpaguran pero wala umanong nangyayari.

"Hindi na ako mabait. Yan ang New Year’s resolution ko. Gagawan na natin ito ng solution," ang sabi ni Chariz.

"Oo nga, tama!" sang-ayon ni Buboy sa pahayag ni Chariz.

Tulad ng kanyang Your Honor co-host, importante na masingil niya ang kanyang unpaid talent fees mula sa TAPE Inc. dahil may mga anak siya na binubuhay.

Read: Ria Atayde reacts to John Lloyd Cruz-Robi "heated exchange"

CHARIZ SOLOMON, DASURI CHOI STILL HOPING TO GET PAID

Unang inilabas ng PEP ang ulat tungkol sa overdue talent fees ng Tahanang Pinakamasaya hosts noong Mayo 23, 2025.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hanggang sa kasakuluyan ay walang aksyon na ginawa ang pamunuan ng TAPE Inc.

Sa dulo ng bahagi ng episode, inulit ni Chariz, "Sana bumalik na tayo sa mga dating araw na nababayaran tayo, saya-saya lang."

Sang-ayon ni Dasuri, "Oo. Ang usapan namin dati, 'Kailan?'"

"Kaysa, 'Kumusta ka?' Hindi yung, 'Kailan? Nabayaran ka na?' Ang pangit, di ba? Magtatatlong taon na. Hopefully this 2026."

Kahit nawawalan na ng pag-asa, umaasa sina Chariz, Buboy, at ang mga apektadong tao na mababayaran sila dahil naging maganda at maayos ang pakikitungo nila sa mga producer ng nagsara na programa.

Read: Sharon Stone, suwabeng nagtaray sa bastos na young stars

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chariz Solomon, inihayag na di pa rin nagbabayad ang TAPE Inc. ng kanyang talent fee dalawang taon mula nang matapos ang Tahanang Pinakamasaya.
PHOTO/S: Screengrab from Your Honor
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results