Isang advocacy movie na may kinalaman sa mental health at bullying ang Breaking The Silence.
Unang proyekto ito ng Gummy Entertainment Production na pag-aari ng mga baguhan na movie producer na si Ann Michelle Weber at ng kanyang American husband na si Lawrence Weber.
Malapit sa puso ni Ann ang kuwento ng Breaking The Silence dahil sa tunay na buhay, biktima ng bullying at may trauma na pinagdaanan ang kanyang mga anak.
"I am thankful to Direk Errol Ropero for offering the movie to me at sa buong cast, they are my greatest blessings,” bungad ni Ann.
Read: Onemig Bondoc, Aiko Melendez "happy together... after 29 years"
ANN WEBER ON BULLYING
Nagsalita si Ann bago nag-umpisa ang special screening ng Breaking The Silence sa Cinema 7 ng Trinoma noong Sabado, Enero 10, 2026.
"Nung pinag-uusapan namin ang project, naisip ko ang kids ko. Uy bullying, I have Yvo here, my son na na-experience ang bullying.
"At a very young age, grabe ang pagka-severe ng pag-bully sa kanya. Until now, hindi siya mapapaihi sa urinal ng panglalake. Manginginig siya kapag nakita niya."
Pero hindi na niya idinetalye ang pinag-ugatan ng trauma ng anak sa paggamit ng men’s urinal.
Pagpapatuloy ni Ann: "And then I have my eldest na na-bully rin. Yung eldest ko may trauma dahil sa broken family.
"Hindi ko naman itinago na my two kids are from my past relationship, and then, I married my wonderful husband Lawrence.
"Nung pinapanood ko na ang movie, parang nakaka-relate kami, yung family.
"Sinabi ko na i-push na ito. Tapusin natin ang pelikula kahit ano ang mangyari because I want the people na mas maintindihan ang mental health issues. Ano ba yung mga tulong na puwede nating gawin for them."
Read: Rica Peralejo says allegation that she steals tithes is unfounded
ERROL ROPERO ON WORKING WITH ANN WEBER
Matagal nang konsepto ni Ropero ang kuwento ng Breaking The Silence, walang producer ang gustong sumugal hanggang makilala niya si Ann.
Ayon kay Ropero: "Nakilala ko po si Ma’am Ann, in-offer ko sa kanya. Sabi ko, ‘Ma’am, baka lang gusto mo itong concept ng mental health. Isang pelikula na hindi [for] entertainment ang concept, hindi kiligan, pero very timely na kailangang mapanood ng lahat, mga kabataan, matatanda at mga magulang.
"Nung in-offer ko ito kay Ma’am Ann, hindi siya nag-hesitate. Walang tanong-tanong. Sinabi niya, ‘Gusto ko yan. Pag-usapan natin.’
"Basta nung nalaman niya na about mental health ang project, hindi siya nag-dalawang isip,” ang salaysay ni Ropero kung paano nasakatuparan ang proyekto.
Ang Breaking The Silence ay pinagbibidahan nina Ramon Christopher, Pinky Amador, Potchi Angeles, Rob Sy, Pekto Nacua, Bugoy Cariño, Mark Herras, Gene Padilla, at Zion Cruz.
May partisipasyon din si Lawrence at ang anak nila ni Ann na si Gray sa pelikula.
Plano nilang maipalabas sa mga paaralan sa buong Pilipinas ang Breaking The Silence dahil kapupulutan ng aral ng mga estudyante ang kuwento nito.