PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sasakyan ng ABS-CBN News, nawasak sa Traslacion 2026

Mga deboto ng Itim Na Nazareno, tinuntungan ang sasakyan ngf ABS-CBN News.
by Jojo Gabinete
Published Jan 12, 2026
ABS-CBN cab crew
Devotees swarmed an ABS-CBN News cable crew vehicle in an attempt to reach the glass-encased image of the Black Nazarene during the Traslacion 2026 on Saturday, January 10, 2026, leaving the vehicle badly damaged.
PHOTO/S: Admin Mark Vlog Facebook / DZRH

Nawasak ang crew cab ng ABS-CBN News sa Traslacion 2026 na nag-umpisa noong Biyernes, Enero 9, 2026, at natapos kinabukasan, Sabado, Enero 10.

Ang Traslacion 2026 ang pinakamatagal dahil sa mabagal na kilos ng andas, ang sinasakyan ng Itim Na Nazareno, kaya tumagal ito ng tatlumpu’t isang oras.

Nakaapekto rin sa matagal na usad ng andas ang milyun-milyong bilang ng mga Pilipinong lumahok sa Traslacion 2026 at kumitil sa buhay ng apat na tao.

Read: Ilang mga eksena sa record-breaking na Traslacion 2026

Malinaw na nakunan ng video ang pagsampa ng mga tao sa crew cab ng ABS-CBN at nag-uunahang makalapit sa andas para maipahid sa glass case ng Itim Na Nazareno ang kanilang mga hawak na panyo at tuwalya.

Naniniwala ang mga deboto na may taglay na himala ang gawa sa kahoy na estatwa na dinala sa Pilipinas mula sa Mexico noong Mayo 31, 1606.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakaparada sa Arlegui St., Maynila ang crew cab ng ABS-CBN na nasira nang husto dahil sa pagdaan ng andas at ng mga nagkakagulong deboto ng Itim Na Nazareno.

Dahil sa lakas ng puwersa ng mga tao, nayupi ang bubong at nabasag ang windshield ng crew cab na ginagamit sa mga news coverage.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Traslacion 2026: Debotong hinimatay at nahulog, safe na

NO PARKING AREA?

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang ABS-CBN management tungkol sa napinsalang crew cab.

Pero ayon sa mga deboto ng Itim Na Nazareno, bawal pumarada sa naturang lugar kaya, diumano, walang kasalanan ang mga taong nakasira sa sasakyan.

Ikinatwiran din nilang napilitan ang mga debotong umakyat sa ibabaw ng crew cab dahil tumulong sila sa pagtutulak ng andas na naipit kaya hindi makausad.

Malinaw ring makikita sa video ang isang lalakeng nag-ala Spiderman dahil biglang tumalon sa himpapawid para makalapit sa andas.

Ang mga eksena sa viral video ng pagkawasak ng crew cab ng ABS-CBN ang pruwebang hindi kinikilala ng ilang masugid na deboto ng Itim Na Nazareno ang mga media outfit o maging ang mga awtoridad kapag ang pananampalataya na nila ang sangkot at nakasalalay.

Read: Marian Rivera says “power couple” blind item not her and Dingdong

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Devotees swarmed an ABS-CBN News cable crew vehicle in an attempt to reach the glass-encased image of the Black Nazarene during the Traslacion 2026 on Saturday, January 10, 2026, leaving the vehicle badly damaged.
PHOTO/S: Admin Mark Vlog Facebook / DZRH
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results