Rated PG ng MTRCB ang Philippine adaptation ng A Werewolf Boy, ang launching movie ng RabGel loveteam nina Rabin Angeles at Angela Muji.
Itatanghal ito sa mga sinehan simula sa Miyerkules, Enero 14, 2026.
Hindi lamang ang magandang balita na Rated PG ang A Werewolf Boy dahil mapapanood ito sa murang halaga na PHP275.
Read: David Licauco spotted anew with rumored non-showbiz girlfriend
Ikinatuwa ng mga tagahanga nina Rabin at Angela, lalo na ng mga estudyante, ang affordable ticket price para sa pelikula ng kanilang mga hinahangaang artista dahil hindi ito mabigat sa bulsa.
Ibinalita ng Viva Films, producer ng A Werewolf Boy, na PHP275 na lamang ang ticket price sa mga sinehan sa Metro Manila at PHP230 ang halaga ng mga cinema ticket sa probinsiya.
Mas mura ang presyo ng tickets para sa A Werewolf Boy kung ikukumpara sa mataas na ticket prices para sa mga pelikulang kalahok sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) na nag-umpisa noong Disyembre 25, 2025.
Umabot hanggang PHP710 ang presyo ng ticket sa sinehan sa mall na pinagtanghalan ng isang MMFF movie kaya hindi nakapagtatakang matamlay ito.
Read: Michael Pacquiao's girlfriend Joyce Tan Custodio breaks silence on age-gap issue
VIVA FILMS' OPENING SALVO IN 2026
Ang A Werewolf Boy ang opening salvo ng Viva Films para sa 2026.
Nagkaroon ito ng special screening sa Cinema 18 ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City, noong Biyernes, Enero 9.
Tumanggap ng mga papuri ang pelikula dahil sa pulidong direksiyon ni Crisanto Aquino at sa mahusay na pagganap nina Rabin at Angela.
Ngayong Lunes ng gabi, Enero 12, ang red-carpet premiere ng A Werewolf Boy sa Cinema 2 ng SM Megamall Cinema.
Gaya ng dapat asahan, dinagsa ito ng matatapat at masusugid na tagahanga nina Rabin at Angelaa.
Maaga silang nagpunta sa nabanggit na sinehan dahil sabik na silang mapanood ang pelikula ng loveteam na kanilang sinusuportahan.
Read: VIRAL: What happened in James Deakin vs. LTO issue?