Ang pagtanggap ng mga trabaho sa labas ng kompanya at panggigipit sa mga kababaihan ang ilan sa mga dahilan kaya nagdesisyon ang pamunuan ng isang media organization na itiwalag sa puwesto ang kanilang “disgraced employee.”
Noon pa may mga reklamo laban sa tauhan ng media organization pero nadagdagan ang kaso niya nang magsumbong ang diumano’y isa sa kanyang mga biktima.
Tuluyan nang nasira ang integridad at reputasyon ng empleyado dahil sa mga bagong reklamo na kanyang kinakaharap na sapat na dahilan para alisin siya sa serbisyo.
May mga nagsasabing baka mahirapan ang disgraced employee ng media organization na makahanap ng bagong trabaho dahil hindi maganda ang record na iniwan niya sa kompanyang dating pinaglilingkuran.
Read: Jackie Lou Blanco explains “Si Aida, Si Lorna, at Si Fe” moment at Ricky Davao’s wake
NEW BATCH OF COMPLAINANTS
Samantala, hindi pa nagsasalita ang ilan sa mga nag-aakusa laban sa empleyado.
Pinili nila ang wastong proseso: ang iparating muna sa mga kinauukulan o sa mga nakatataas ang kanilang mga reklamo.
Binigyan naman agad ng aksyon kaya nagpapasalamat sila dahil hindi nabalewala ang paghahanap nila ng hustisya.
Read: BLIND ITEM: Actress, ilang beses na-two-time ng ex-boyfriend