Tiyak na ang pagsasara ng JKN18, ang digital television station ng JKN Global Group, sa Enero 26, 2026.
Ang JKN18 ay itinatag at pag-aari ni Anne Jakrajutatip, ang Thai transgender billionaire na dating may-ari ng Miss Universe Organization, noong Mayo 2013.
Nahatulan si Ane na makulong ng dalawang taon dahil sa kasong fraud pero tumakas mula sa Thailand kaya tinutugis siya ng batas.
Read: Ex-Miss Universe CEO Anne Jakrajutatip faces two-year jail term
May bisa hanggang 2032 ang lisensya ng JKN18 na ipinagkaloob ng National Broadcasting and Telecommunications Commission.
Pero isasara na ito dahil sa desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na alisin ang shares ng JKN Global Group sa Stock Exchange of Thailand.
Ito ay matapos matuklasang nagbibigay ng maling impormasyon ang kompanya ni Anne sa annual financial statements noong 2023 at nang mga sumunod na taon.
Read: Colombian singer dies in plane crash on his way to concert
THE ANNOUNCEMENT
Nakumpirma ang nalalapit na pagsasara ng JKN18 dahil sa anunsiyo nito sa pamamagitan ng paunawa noong Enero 13.
Nakasaad dito: “Dear viewers, Digital TV channel 18 will broadcast for the last time on January 25,2026 at 24:00 and will cease broadcasting on January 26, 2026 at 00:00
“The station thanks all viewers for their continued support and viewership of our programs.”
Ang My Korean Jagiya, My Faithful Husband, The One That Got Away, at Someone to Watch Over Me ang ilan sa Filipino programs na dating napapanood sa TV station na pagmamay-ari ni Anne.
Pinaniniwalaang lumipad at nagtago sa Mexico si Anne nang ilabas ng isang korte sa Thailand ang arrest warrant para sa kanya.
Read: Filmmaker and actor Roni Bertubin dies at 61