PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Lloyd Cruz, Isabel Santos unfollow each other on Instagram

Netizens speculate on status of relationship between John Lloyd and Isabrk.
by Jojo Gabinete
Published Jan 15, 2026
john lloyd cruz isabel santos instagram
Netizens speculate about John Lloyd Cruz and Isabel Santos’ relationship after the two unfollow each other on Instagram.
PHOTO/S: @isabelreyessantos on Instagram

Biglang nagkaroon ng isyu ang mapayapang relasyon ni John Lloyd Cruz sa artist na si Isabel Santos.

Ngayong Miyerkules, Enero 14, 2026, napansin ng kanilang followers na hindi na nila sinusubaybayan ang Instagram accounts ng isa’t isa.

john lloyd instagram
isabel santos instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May problema o nagwakas na ang pagmamahalan ang kalimitang duda kapag hindi na social media followers ng isa’t isa ang magkakarelasyon.

Read: John Lloyd Cruz shows sweet photos with girlfriend Isabel Santos

Kaugnay nito, nais malaman ng mga nababahala at matatalas ang mga matang tagasubaybay nina John Lloyd at Isabel ang katotohanan.

Kahit hindi na siya nakasubaybay sa Instagram account ng aktor, makikita pa rin sa Instagram page ni Isabel ang larawan na kasama niya si John Lloyd.

Kuha ang larawan sa Milan, Italy, noong Oktubre 27, 2025.

Ipinost ito ni Isabel halos talong linggo na ang nakalilipas.

View this post on Instagram

A post shared by PDV ???? (@patrickdeveyra)

JOHN LLOYD CRUZ-ISABEL SANTOS RELATIONSHIP

Nag-umpisa ang relasyon ng dalawa noong 2021.

Sa guesting ni John Lloyd sa Fast Talk With Boy Abunda noong Oktubre 2023, inamin ng aktor ang tunay na estado relasyon nila ni Isabel.

“Si Isabel ay girlfriend ko. Boyfriend niya ako,” sabi ng aktor.

Ikinuwento ni John Lloyd na matagal na silang magkakilala ng apo ng cartoonist at fine arts painter na si Mauro “Malang” Santos .

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, mga “boring people” sila ni Isabel.

Lahad nh aktor: “We’re boring people. Wala kaming maikukuwento. Ganyan lang kami.

“Matagal na kaming magkakilala. Gallery nila yung una kong pinasok na gallery.

“At the time na bago pa lang akong tumigil with ABS-CBN, napadpad ako sa pag-e-explore ng arts. So, gallery nila yung una kong napasok.

“Sila yung mga una kong nakilala. Yung family nila, kung sino yung patrons ng gallery nila. Matagal na kaming magkakilala.

“We were talking before but hindi nag-evolve into something ideal for us, at the time. Mula noon, present na rin siya sa buhay ko.”

Read: John Lloyd Cruz confirms relationship with Isabel Santos: "Si Isabel ay girlfriend ko. Boyfriend niya ako."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens speculate about John Lloyd Cruz and Isabel Santos’ relationship after the two unfollow each other on Instagram.
PHOTO/S: @isabelreyessantos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results