PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Transformation ni Michael Pacquiao trending topic sa social media

Michael Pacquiao, pinaniniwalaang sumailalim sa rhinoplasty.
by Jojo Gabinete
Published Jan 15, 2026
mihael pacquiao transformation
Before (left) and after (right) photos of Michael Pacquiao showing his transformation following an alleged cosmetic enhancement.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Iba’t iba ang reaksiyon ng netizens sa nagbagong hitsura ni General Santos City Councilor Michael Pacquiao, 24, dahil sa kanyang tumangos na ilong.

Malakas ang kutob ng marami na sumailalim siya sa rhinoplasty procedure.

Pinalitan na rin ni Michael ang profile picture sa kanyang Instagram account.

Read: Michael Pacquiao's girlfriend breaks silence on age-gap issue

michael pacquiao instagram profile
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa pagiging mang-aawit at halal na konsehal sa kanilang bayan, mga kilalang personalidad ang mga magulang ni Michael kaya napagtutuunan ng publiko ng atensiyon ang mga kaganapan sa buhay niya.

Ang kanyang ama ay ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ang kanyang ina ay si Jinkee Pacquiao.

michael pacquiai parents
Michael Pacquiao (left) with parents Manny and Jinkee Pacquiao.
Photo/s: Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa panahon ngayon, normal at karapatan ng bawat tao na pagandahin ang kanilang pisikal na kaanyuan.

Sa kaso ni Michael, napag-uusapan ang kanyang transformation dahil anak nga siya ng mga prominenteng personalidad.

Naninibago lamang ang mga tao sa hitsura ngayon ni Michael—na mapagkakamalang moreno version ng aktor na si Anthony Jennings—dahil nasanay sila sa kanyang dating hitsura.

Pero inaasahang lalong gaganda ang hugis ng ilong at titingkad ang kaguwapuhan ni Michael sa mga susunod na linggo kapag tuluyan nang nawala ang pamamaga ng mukha niya.

Read: Get to know Manny Pacquiao's children

KITTY DUTERTE TRANSFORMATION

Tatlong taon na ang nakalilipas nang maging usap-usapan noong Enero 2023 ang physical transformation ng dating presidential daughter na si Kitty Duterte.

Lalong lumutang ang taglay na kagandahan ni Kitty nang sumailalim ito sa nose-enhancement procedure.

Tumanggap din ng iba’t ibang mga reaksiyon ang pagpaparetoke niya, pero nangibabaw ang mga papuri.

Makalipas ang isang taon, inamin ni Kitty at detalyado nitong ibinahagi sa publiko, noong Enero 2024, ang cosmetic enhancements na pinagdaanan niya—rhinoplasty, lip fillers, at jawtox.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Karaniwan na itong ginagawa ng mga taong may kakayahang gumastos para matupad ang kanilang pinapangarap na hitsura.

Kaya hindi dapat magpaapekto si Michael sa mga opinyon na nababasa at naririnig nito tungkol sa kanyang bagong anyo na positibo ang karamihan sa mga komento.

Read: Kitty Duterte, 19, gets candid about experience with rhinoplasty, jawtox, lip fillers

MICAEL PACQUIAO OPENS UP ABOUT BEING A VICTIM OF BULLYING

Noong 2022 at 2023, sa magkahiwalay na panayam, ibinahagi ni Michael ang pinagdaanan niyang depression dahil sa pambu-bully na naranasan noong mag-high school siya sa General Santos City, ang hometown ng kanyang mga magulang.

“I couldn’t fit in, kasi Pacquiao, so they thought Inglisero lang,” sabi ni Michael.

Iba raw ang environment sa GenSan.

“So people thought na ano, na ako maarte, and then wala akong masyadong ano dun, e, friends.”

Lahad pa ni Michael: “I was bullied because of my appearance. I’m not guwapo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“No one really wanted to talk to me. Because of my name also. They were afraid.

“Most of the time in school, I would hear… make fun of me, saka they would make fun of my face, my name, tsaka backstab me. Talk behind your back.”

Ang masakit pa raw, ang gumawa sa kanya nito ay ang inakala niyang mga kaibigan.

“They were pretending to be [my] friends because yung name ko. People were nice to me because they just wanted something from me. Libre ko sila, like that.

“In reality they don’t really genuinely like me for who I am,” sabi ni Michael.

Kaya malaki raw ang pasasalamat ni Michael na nakatagpo pa rin siya ng dalawang tao sa school na maituturing niyang kaibigan.

“I was thankful that I had two actual friends there. They were genuinely there for me. Blessed ako dun. I could talk to them, they would ask me, ‘Are you okay?’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Payo ni Michael sa mga nakakaranas ng bullying, huwag pakinggan ang sinasabi ng mga nambu-bully.

Saad niya, “If you listen, dibdibin mo siya, dwell, you would start to believe them. They would be dictating who you are and you would lose yourself.

“You shouldn’t listen to them. Have someone to talk to like relatives, friends…

“Cancel out the noise. Believe you are not what they say you are.

"Who are they to judge you?"

Naibahagi rin ni Michael na nakaranas siya ng depresyon noon. Sa katunayan, tinangka pa raw niyang saktan ang kanyang sarili.

Noong una ay hindi raw niya ipinaalam sa kanyang mga magulang ang pinagdadaanan niyang ito.

“I would just smile, but deep inside it’s like empty," lahad ni Michael.

“I was dwelling in it. I was thinking about it too much.

"Akala ko super big problem na yung depression. I didn’t know where I was going with my life.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang nasa puntong sasaktan na ang kanyang sarili, hindi raw ito itinuloy ni Michael.

“Naisip ko what would my parents think. Tsaka what would they think of me doing this,” aniya.

Ipinaalam daw ni Michael sa kanyang mga magulang ang pinagdadaanan niya.

“They comforted me. My dad talked to me. We prayed. I felt nice, I felt better,” sabi ni Michael.

Read: Michael Pacquiao opens up about bullying: “I was bullied because of my appearance.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Before (left) and after (right) photos of Michael Pacquiao showing his transformation following an alleged cosmetic enhancement.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results