May posibilidad na hindi matuloy ang pelikulang gagawin ng isang aktres dahil sa kanyang kalagayan sa kasalukuyan.
Buntis ang aktres pero hindi pa nito isinisiwalat sa publiko ang bagong yugto sa kanyang buhay dahil hindi pa umaabot sa first trimester ang pagdadalantao niya.
Ang karelasyon na aktor ang ama ng ipinagbubuntis ng aktres.
Read: Kim Chiu reacts to being called A “lakambini” by Jackie Gonzaga
Kung gugustuhin ng aktres, puwedeng-puwede niyang ituloy ang proyektong pagbibidahan habang hindi pa halata ang kanyang sitwasyon, maliban na lamang kung nahihirapan siya sa paglilihi.
Maaari ring makiusap ang aktres sa producer ng pelikula na ipagpaliban muna ang proyekto at umpisahan na lamang ang shooting kapag naisilang na niya ang magiging anak nila ng aktor.
Napakaimposibleng hindi maging malaking balita at siguradong pagpipistahan ng mga mahihilig sa showbiz gossip ang nakatakdang pagiging ina ng aktres dahil sa popularidad nila ng kanyang karelasyon at sa mga isyung kanilang kinasasangkutan.
Read: BLIND ITEM: Good-looking husband ni Star, may other woman