Usap-usapan ngayon ang ibinahaging litrato ni Ricky Martin sa kanyang Instagram kung saan kasama niya ang Heated Rivalry breakout star na si Hudson Williams.
Caption ng 54-year old Puerto Rican global pop superstar sa IG photo nila ni Hudson: “Pre-show dinner in Milan. Good food, better conversations, excellent seat neighbor @hudsonwilliamsofficial.”
Kuha ang larawan sa hapunan para sa mga personalidad na imbitado sa Giorgio Armani Fashion Show sa Milan Fashion Week sa Milan, Italy, noong Linggo, Enero 18, 2026.
Read: Heated Rivalry star Hudson Williams, walang dugong Pinoy
View this post on Instagram
Kabilang sa nagkomento sa post ni Ricky ang international Filipino singer-actress na si Lea Salonga at ang ex-husband ni Ricky na si Jwan Yosef.
“RICKY!!! I LOVE HUDSON SO MUCH!!!” komento ni Lea sa Instagram post ni Ricky.
Samantala, marami ang nagmalisya sa nakakaintrigang reaksiyon ni Jwan na “I’d watch this show” na may popcorn emoji.
Nagkomento naman si Hudson ng “Fabuluous conversation” na may heart emoji sa Instagram post ng openly gay Puerto Rican singer.
Bago pa man naging phenomenal hit queer series ang Heated Rivalry, sinusubaybayan na ni Ricky ang Instagram account ni Hudson.
Read: Ricky Martin comes out: "I am proud to say that I am a fortunate homosexual man."

RICKY MARTIN-JWAN YOSEF SPLIT
“Irreconcilable differences” ang ibinigay na dahilan nina Jwan at Ricky sa desisyon nilang wakasan ang kanilang relasyon na tumagal ng anim na taon.
Ikinasal ang dalawa sa isang pribadong seremonya noong Agosto 29, 2017 at naghain si Ricky ng diborsyo noong Hulyo 5, 2023.
Read: Ricky Martin, husband Jwan Yosef confirm divorce

RICKY MARTIN AND LEA SALONGA FRIENDSHIP
Instagram followers naman nina Ricky at Lea ang isa’t isa dahil matagal na silang magkakilala.
Teenager at miyembro pa si Ricky ng popular Puerto Rican boyband na Menudo nang maging front act nila si Lea sa kanilang concert sa Pilipinas noong 1986.

Nag-umpisa ang international singing at acting career ni Lea nang magbida siya sa West End production sa London ng Miss Saigon.
Sumikat si Ricky bilang solo performer noong 1991.
Read: Michael Pacquiao unveils new look in side-profile photo