Pang-unawa at respeto sa patas na pagtrato o due process ang mga kahilingan ng aktres at Cavite Second District representative na si Lani Mercado-Revilla sa pahayag na inilabas niya ngayong Miyerkules, Enero 21, 2026.
Ito ay kaugnay ng pagkakabilanggo ng kanyang asawa, ang aktor at dating senador na si Ramon “Bong” Revilla Jr., dahil sa kasong graft at malversation of public funds na may kaugnayan sa flood control project anomalies sa Pandi, Bulacan.
Ibinahagi ni Lani ang kanyang pahayag sa official Facebook page niya sa unang araw ng pagkakapiit ng asawa niya sa New City Jail Male Dormitory, Payatas, Quezon City.
Read: Sandiganbayan, ipinag-utos na ikulong si Bong Revilla sa QC Jail
Nakasaad dito: “The cases involving my husband, former Senator Bong Revilla, Jr. are now under judicial review.
"As his wife and as a public servant myself, I ask for understanding, fairness, and respect for due process.
“I would also like to clarify that I have not issued any public statements regarding this matter, and I do not intend to make any public comments moving forward.
“Our family continues to draw strength from our faith,and we remain hopeful for a fair and just resolution.
"Thank you for your understanding."

REVILLA CHILDREN VISIT BONG IN JAIL
Ngayong Miyerkules ng hapon, bumisita sa dating senador ang kanyang mga anak na sina Agimat Party-list Representative Bryan Revilla, Cavite First District Representative Jolo Revilla, at Gianna Revilla; at ang kapatid ni Bong na si Andrea Bautista-Ynares.
Hindi nagpaunlak ng panayam ang magkakapatid at si Andrea sa mga news reporter na nakapuwesto sa harap ng New City Jail Male Dormitory.
“No comment” ang sagot ni Jolo sa mamamahayag na nagtanong tungkol sa unang gabi sa bilangguan ng kanyang ama.
Umiling lamang si Bryan sa tanong na “Kumusta lang si Senator.”
Pilit na sinasaliksik ng mga mamamahayag ang sitwasyon ni Bong sa piitan nito kaya nalaman nilang ginisang pechay at kanin na nagkakahalaga ng PHP100.00 ang kanyang hapunan sa unang gabi niya sa New City Jail Male Dormitory.
Read: Bong Revilla supporters, nagtipon-tipon sa Sandiganbayan