PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andre Yllana, nagsalita sa rumored Aiko-Onemig relationship

Andre Yllana: "Mukha naman po silang masaya."
by Jojo Gabinete
Published Jan 21, 2026
andre yllana onemig aiko relationship
Andre Yllana on his mom Aiko Melendez's rumored relationship with Onemig Bondoc: “Mukha naman po silang masaya. So, kung masaya naman po sila, enjoy po."
PHOTO/S: Viva Artists Agency / Instagram

Ang anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na si Andre Yllana ang isa sa mga bida sa Hell University, ang mystery-thriller series na malapit nang mapanood sa Viva One.

Sa media conference para sa Hell University nitong Miyerkules ng gabi, Enero 21, 2026, tinanong si Andre tungkol mainit na pinag-uusapang rumored relationship nina Aiko at Onemig Bondoc.

“Enjoy!” maagap na sagot ni Andre, na pahiwatig na may katotohanan ang mga espekulasyong nagkakamabutihan ang kanyang ina at si Onemig.

Dagdag niya, “Mukha naman po silang masaya.

"So, kung masaya naman po sila, enjoy po."

Nang tanungin naman kung close na sila ni Onemig, “Puwede na po,” sagot ng binata.

Unang nanligaw si Onemig kay Aiko dalawampu’t siyam na taon na ang nakalilipas, pero hindi humantong sa relasyon ang kanyang panunuyo.

Read: Onemig Bondoc, Aiko Melendez "happy together... after 29 years"

ANDRE YLLANA'S PROJECTS

Si Andre ay contract star ng Viva Artist Agency (VAA) at marami ang nakapansin na sunud-sunod ang mga proyektong ibinibigay sa kanya ng home studio niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Reaksiyon niya: “Blessed po talaga saka very thankful po na binigyan po ng opportunity.

"Thank you po, Boss Vic [del Rosario, CEO ng Viva Entertainment]. Thank you po sa tiwala."

Pinahahalagahan din ni Andre ang suporta na natatanggap niya mula sa kanyang mga magulang na sina Aiko at Jomari Yllana.

“Si Mommy po, si Daddy, okay naman po yung relationship namin.

"Si Mommy, very supportive po. Palaging nagtatanong, 'Kumusta yung set? Kumusta yung mga eksena?'

“Si Daddy naman po, lagi akong pinu-push na be on time sa set. Pinu-push niya ako na maging ready po sa trabaho.”

Read: Manny V. Pangilinan addresses end of TV5 partnership with ABS-CBN

ANDRE ON WORKING WITH ONEMIG

Gaya ni Andre, contract star ng Viva Films si Onemig nang magsimula ang showbiz career nito.

Pero matagal nang hindi tumatanggap ng mga acting assignment si Onemig mula nang talikuran niya ang entertainment industry.

Ngayon na lamang uli napag-uusapan si Onemig dahil sa napapabalitang ugnayan nila ni Aiko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gusto ba ni Andre na makasama sa isang proyekto ang rumored boyfriend ng kanyang ina?

"Sure po. Why not po?" nakangiting sagot niya.

Read: 1990s Celebrity Heartthrobs: Where are they now?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andre Yllana on his mom Aiko Melendez's rumored relationship with Onemig Bondoc: “Mukha naman po silang masaya. So, kung masaya naman po sila, enjoy po."
PHOTO/S: Viva Artists Agency / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results