PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Snooky opens up about late cousin Bobbi Mercado, adopted brother

Snooky Serna reveals she hasn't seen her adopted brother Julian in 15 years.
by Jojo Gabinete
Published Jan 22, 2026
snooky serna bobbi mercado
Snooky Serna on late cousin Bobbi Mercado (right photo, left): “Alam mo si Bobbi, survivor. Kapag kinausap mo siya, walang hang-up. Wala sa kanya yon. Matter of factly lang. 'E, ito ang estado ko ngayon, e. Dito kami kailangang tumira ngayon, so what?'"
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Snooky Serna

Isa sa mga kahilingan ni Snooky Serna para sa kanyang ika-60 kaarawan sa Abril 4, 2026 ay ang mabisita at makita nang personal ang kanyang adopted brother na si Julian Eduardo.

Si Julian ang adopted son ng yumaong ina ni Snooky na si Mila Ocampo (Marso 14,1942-Enero 6, 2010).

Sanggol pa lamang si Julian nang ampunin ni Mila.

“Sana makita ko ang kapatid ko. Sana payagan ako na makita siya. Love na love ko siya.

“The last time I saw him, hindi kayo maniniwala, nung ipinasok na siya sa home care. That was fifteen years ago.

"Parati ko lang siya nakakausap sa telepono. Pinagbawalan ako ng doktor na dalawin siya.

"Pero sabi ko nga, ngayon that I’m in a very steady place with God’s good grace alone, sa awa ng Diyos, parang I feel kaya ko nang makita ang kapatid ko.

"I pray sana," pahayag ni Snooky sa eksklusibong panayam sa kanya ng Cabinet Files nitong Miyerkules, Enero 22, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lea Salonga confirms separation from husband Robert Chien

SNOOKY SERNA'S "BROTHER" was adopted by bobbi mercado

Nalaman ng Cabinet Files ang kuwento tungkol kay Julian dahil sa panayam namin sa pumanaw na singer-actress na si Bobbi Mercado noong Nobyembre 2011.

Si Bobbi ay anak ng popular TV host na si Eddie Mercado (Agosto 20, 1938 – Setyembre 18, 2006).

Magpinsang-buo sina Snooky at Bobbi

Kasama ang kanyang dalawang anak na lalaki, naging homeless noon si Bobbi.

Nanirahan sila sa kalye ng United Nations Avenue, Manila, at dito sila natunton ng Cabinet Files noong Nobyembre 2011.

Ibinahagi noon ni Bobbi sa Cabinet Files ang kuwento ng pagpapakasal nila ng isang aktor na nakasama niya sa isang drama series ng GMA-7 noong dekada ’80.

Pero hindi biniyayaan ng anak ang kanilang pagsasama kaya nag-ampon sila ng sanggol na lalaki.

Humantong sa hiwalayan ang relasyon ni Bobbi at ng aktor kaya ang kanyang Tita Mila ang nag-ampon sa sanggol.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Nasaan na ang dating aktres na si Bobbi Mercado?

SNOOKY OPENS UP ABOUT BROTHER JULIAN

Sa panayam naman ng Cabinet Files kay Snooky, kinumpirma niya ang inilahad ni Bobbi tungkol sa adopted son nito at kung paano napunta ang bata sa pangangalaga ng kanyang Mommy Mila.

Lahad ni Snooky: “Bobbi got married. Hindi ko na babanggitin to whom, pero they couldn’t have a child, nag-adopt sila.

"Unfortunately, obviously, the marriage didn’t work out.

“Si Bobbi had to go to the States. Dun sila tumira. Nag-relocate sila ng mom niya, ang Tita Baby ko.

"Si Julian, in-adopt ng mommy ko, kaya si Julian is Julian Eduardo Serna. He is now 34 years old."

Dinamdam daw nang husto ni Julian ang pagkamatay ni Mila kaya naapektuhan ang mental health nito. At ngayon ay nasa pangangalaga na siya ng isang home care sa Mandaluyong.

Pagbabahagi ni Snooky: “I don’t think I should say this, but no shame naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nung namatay kasi si Mom, parang hindi masyadong natanggap ni Julian na mabuti yung pagkawala ng mom ko.

“He’s now in a home care in Mandaluyong. He’s getting better. He’s okay.

“Kasi bawal ako dumalaw. Ayaw ng doktor ko, ayaw ng psychiatrist ko na pumunta ako kay Julian.

"Baka naman daw ako ang maapektuhan, ma-trigger. The last time, ang balita ko,he’s okay.”

Read: Willie Revillame addresses on-air outburst at staff

SNOOKY SERNA ON COUSIN BOBBI MERCADO

Sa interbyu ng Cabinet Files kay Bobbi noong nabubuhay pa ito, puring-puri niya ang kabutihan ni Snooky dahil sa mga tulong nito sa kanya noong panahong naghihirap siya.

Nang banggitin namin kay Snooky ang pagtanaw ni Bobbi ng malaking utang na loob sa kanya, sinabi niya: “Siguro this is the best time to talk about it kasi marami noonmg isconceptions.

"Thankfully, si Bobbi, in the last years of her life, yung buhay niya, nag-reverse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I mean, exactly, gumanda yung life niya. And when we say gumanda ang life, it doesn’t have to be lumulutang tayo sa kayamanan or what.

“She was spiritually, emotionally, mentally, physically in a wonderful place in her life.

"She’s stable, pati yung kanyang kabuhayan."

"Survivor" ang pagsasalarawan ni Snooky kay Bobbi, na pumanaw sa edad na 58 noong Nobyembre 14, 2024 dahil sa karamdaman sa puso.

Hindi lingid sa kaalaman ni Snooky ang mga pagsubok na pinagdaanan ng pinsan tulad ng paninirahan nito sa kalye.

“Alam mo si Bobbi, survivor," sambit ng aktres.

"Kapag kinausap mo siya, walang hang-up. Wala sa kanya yon. Matter of factly lang.

"'E, ito ang estado ko ngayon, e. Dito kami kailangang tumira ngayon, so what?'"

Itinuturing din daw ni Snooky si Bobby bilang isa sa kanyang heroes.

Saad niya: “Isa yan sa heroes ko, si Bobbi. May dignity siya, may self-respect pa rin.

“Ang guguwapo ng mga anak niya. Ay naku, if you see them, ang guguwapo ng mga anak niya. Puwedeng mag-artista pareho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya lang, ayaw nila. They want a private life.

"Yung isa, si Gabby, piloto na. Yung isa naman manager sa bar.”

Pumanaw si Bobbi sa edad na 58 noong Nobyembre 14, 2024.

Read: Former actress Bobbi Mercado dies at 58

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Snooky Serna on late cousin Bobbi Mercado (right photo, left): “Alam mo si Bobbi, survivor. Kapag kinausap mo siya, walang hang-up. Wala sa kanya yon. Matter of factly lang. 'E, ito ang estado ko ngayon, e. Dito kami kailangang tumira ngayon, so what?'"
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Snooky Serna
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results