Naganap noong Lunes ng gabi, Enero 19, 2026, sa Cinema 12 ng Gateway 2 Mall ang special screening ng Spring In Prague, ang romantic drama movie na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao, 27, at ng Macedonian actress na si Sara Sandeva, 28.
Hindi nakabalik ng Pilipinas si Sara para sa special screening ng Spring In Prague kaya hindi niya narinig nang personal ang mga papuri sa kanyang ipinamalas na pagganap.
“Unfortunately, she’s busy in Prague,” paliwanag ni Paolo tungkol sa hindi pagsipot ng leading lady niya na sikat na aktres sa Czech Republic.
Walang masyadong alam ang mga Pilipino tungkol sa personal na buhay ni Sara pero, diumano, isa siya sa mga kinikilalang sikat at pinakamayamang TV actress sa kanilang bansa.
Read: Barbie Imperial claims blind item on a celeb’s “posh home” is about her
CROSS-CULTURAL ROMANCE
Tungkol sa cross-cultural romance ang kuwento ng Spring In Prague, na kinunan ang mga eksena nito sa Puerto Galera at Prague.
Ang malakas na chemistry nina Paolo at Sara ang napansin ng mga dumalo sa special screening ng proyekto na kapupulutan ng aral tungkol sa kultura ng Pilipinas at Czech Republic.
Pinuri rin ng manonood ang pagganap nina Paolo at Sara, pati na ang mahusay na pagsasalita nila ng wikang Ingles.
“Sana suportahan ng mga tao yung pelikula na minahal namin.
"Talagang minahal namin, hindi lamang sa production side, pero kaming mga artista, kaming cast, we did our best as actors.
"We gave our hearts to this film,” pahayag at panawagan ni Paolo.
Pinatunayan ni Paolo sa Spring in Prague na marunong siyang umarte at puwedeng-puwedeng leading man sa mga romantic movie kaya may dahilan para talikuran na niya ang pagtanggap ng mga sexy project.
Ang Borracho Films Production ang producer ng Spring In Prague, na ipalalabas sa mga sinehan sa Pebrero 4. Alay nila ito para sa ika-50 anibersaryo ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at ng Czech Republic.
Read: Melanie Marquez meets Randy Lawyer in U.S. court; breaks down over Sara Jane Paez’s death