PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hell University cast at production crew, minulto sa taping

Director Bobby Bonifacio Jr.: “Minumulto kami, lahat kami."
by Jojo Gabinete
Published Jan 23, 2026
bobby bonifacio jr. hell university
Director Bobby Bonifacio Jr. confirms ghost stories on the set of Hell University: "Ang dami kong na-discover sa cast ng Hell University, may mga third eye pala, nakakaramdam ng mga presence. Pare-pareho sila ng mga nakikita at nararamdaman."
PHOTO/S: Studio Viva Facebook

Isang malaking hamon para kay Bobby Bonifacio Jr. na maging direktor ng Hell University, ang upcoming youth-oriented Viva One series na nagkaroon ng media conference noong Miyerkules, Enero 21, 2026.

Saad niya: "Na-challenge ako. Una sa lahat, napakaganda ng materyal.

“Nung binabasa ko, page-turner talaga.

"So, parang ang challenge, paano namin mapagtutulungan na gawin ito nang maayos?

“At the same time, sobrang enjoy ako na makatrabaho lahat, ang buong cast. Walang plastikan.

“Araw-araw, natsa-challenge ako sa kanila at na-e-enjoy ko rin dahil nakikita ko yung constant improvements, hindi lang sa acting skills kundi pati sa bonding ng lahat as a family.

“With the help of our production designer, Erickson Navarro, kailangan namin mag-build ng set from scratch para lang maisabuhay ang imagined world ng Hell University.”

Read: Lea Salonga confirms separation from husband Robert Chien

Isiniwalat ng mga artista ng Hell University may mga naramdaman sila sa taping na kinumpirma ni Direk Bobby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya: “Minumulto kami, lahat kami.

"Ang dami kong na-discover sa cast ng Hell University, may mga third eye pala, nakakaramdam ng mga presence.

"Pare-pareho sila ng mga nakikita at nararamdaman."

hell university poster

SCORPIO NIGHTS 4

May follow-up project na si Direk Bobby pagkatapos ng Hell University.

Ito ay ang Scorpio Nights 4, na pagbibidahan ng bagong VMX star na si Apphle Celso at si Albie Casiño ang makakapareha niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Apphle Celso
Apphle Celso
Photo/s: VMX Philippines

Pero apat at hindi na tatlo ang mga pangunahing bida sa pelikula dahil kasama sa cast ang VMX stars na sina Jenn Rosa at Marco Mora.

Si Anna Marie Gutierrez ang lead actress ng unang Scorpio Nights (1985) at si Joyce Jimenez ang bida sa Scorpio Nights 2 (1999).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 2022, ipinagkatiwala kay Christine Bermas ang pagbibida sa Scorpio Nights 3.

Sinabi ni Direk Bobby Bonifacio Jr. sa Cabinet Files na apat ang bida sa Scorpio Nights 4 dahil sa kuwento, binobosohan din ang naninilip sa kanyang bagong erotic-thriller movie project.

Magsisimula ang shooting ng Scorpio Nights 4 sa Enero 26, 2026.

Read: Mark Anthony Fernandez, tunay o peke ang ipinakita sa frontal nudity sa Scorpio Nights 3?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Bobby Bonifacio Jr. confirms ghost stories on the set of Hell University: "Ang dami kong na-discover sa cast ng Hell University, may mga third eye pala, nakakaramdam ng mga presence. Pare-pareho sila ng mga nakikita at nararamdaman."
PHOTO/S: Studio Viva Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results