May dahilan para maluha si Andres Muhlach matapos ang pagtatanghal ng unang gabi ng Bagets, The Musical sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City noong Biyernes, Enero 23, 2026.
Mainit na pagtanggap at standing ovation ang ibinigay ng mga manonood na naaliw at nagustuhan ang mahigit sa tatlong oras na palabas.
Mahigpit na niyakap ni Aga Muhlach ang anak nito nang umakyat siya sa entablado para batiin si Andres.
Karapat-dapat na ipagmalaki si Andres dahil sa mga talento na ipinamalas niya sa stage musical adaptation ng iconic coming-of-age blockbuster movie noong 1984, na pinagbidahan ng kanyang multi-awarded actor na ama.

Read: Mel Tiangco speaks up after allegedly insulting Alex Eala
ANDRES MUHLACH PERFORMANCE
Ginampanan ni Andres ang karakter ni Adie, na binigyang-buhay ni Aga sa pelikula ng Viva Films, 42 taon na ang nakalilipas.
Base sa reaksyon ng manonood sa bawat paglabas ni Adie sa stage, kabilang siya ngayon sa listahan ng mga sikat na young actor.
Bukod sa kanyang popularidad, taglay niya ang mga katangian ng isang emerging superstar sa Philippine entertainment industry.
Buong-buo ang suporta kay Andres ng pamilya nito sa unang pagsabak niya sa isang musical stageplay, dahil nanood din ang kanyang ina na si Charlene Gonzales at ang kakambal niya na si Atasha.
Dumalo rin sa unang gabi ng pagtatanghal ng Bagets, The Musical ang original cast members ng pelikula, sina Yayo Aguila at Chanda Romero.

Read: John Lloyd Cruz, Isabel Santos spotted with Ellen Adarna and son
BAGETS, THE MUSICAL CAST
Kasama ni Andres sa Bagets, The Musical sina Milo Cruz, Ethan David, Sam Shoaf at Noel Comia, na nagpakitang-gilas din sa pagkanta at pagganap sa musical na tumatanggap ngayon ng mga positibong komento at papuri mula sa manonood.
Hindi lamang ang limang bida na gumanap sa mga role nina William Martinez, Raymond Launchengco, Herbert Bautista, JC Bonnin, at Aga ang mahuhusay dahil magagaling din ang lahat ng mga miyembro ng cast.
Isang must-watch musical ang Bagets dahil sulit na sulit ang panahon ng mga nagbabalak na manood.
Pero sa mga nagnanais na makita si Andres, mapapanood lamang siya sa Enero 25, 29 at 31 dahil ang Set 2 cast member at alternate niya na si Mico Chua ang gaganap na Adie sa pagtatanghal ngayong gabi, Enero 24. at sa mga petsa na Enero 30 at Pebrero. 1.