PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: Produkto ng reality show, magaspang ang ugali

Ayaw nang makatrabaho ng TV production staff.
by Jojo Gabinete
Published Jan 24, 2026
Blind item: Baguhang showbiz personality, ayaw na maktrabaho ng TV production staff
Nagbingi-bingihan, nanadya pa! Produkto ng reality show, nagpamalas ng kagaspangan ng ugali sa isang TV production staff.
PHOTO/S: Canva

Ayaw nang makatrabaho ng television production staff ang baguhan na showbiz personality na produkto ng isang reality show dahil sa magaspang na pag-uugali.

Wala pang napapatunayan sa larangan ng pag-arte ang showbiz personality at lalong hindi ito nanalo o nagkaroon ng puwesto sa television reality program na sinalihan, pero nagbibigay na siya ng mga problema sa mga kasamahan niya sa trabaho.

Napatunayan ang prima donna attitude ng showbiz personality sa live broadcast ng television special ng isang network.

Kasali ang showbiz personality sa production number na kinabibilangan din ng mga nakasama niya sa pinanggalingan nila na reality program.

Nang tawagin na sila ng floor director para sa kanilang stage blocking, siya lamang ang hindi kumilos. Imbes na pumunta sa stage, naupo ang showbiz personality at nagpa-retouch ng makeup sa makeup artist.

NAGBIBINGI-BINGIHAN!

Nang bumalik at tawagin siya ng natetensyon na floor director, parang walang narinig ang showbiz personality dahil ang hawak na cellphone ang pinagtuunan naman niya ng atensyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagagalit na ang direktor ng TV special dahil kailangan nang makunan ang production number ng grupo, kaya ninerbyos nang husto ang floor director.

Umabot sa puntong humingi ng saklolo ang floor director mula sa isang tao na hindi nagpasindak sa kaartehan ng pasaway na showbiz personality.

NANADYA PA!

Tumayo ang showbiz personality mula sa kinauupuan dahil narinig niya ang malakas na pagtawag sa kanyang pangalan.

Pero parang nananadya na binagalan niya ang paglalakad papunta sa stage dahil nakatutok pa rin ang kanyang atensyon sa hawak na cellphone.

Ang unprofessionalism at ang kaartehan na nasaksihan ng production staff ang mga sapat na dahilan para magdeklara sila na ayaw nila na makatrabaho ang kanilang halos isumpa na baguhang showbiz personality.

Wala kasi itong malasakit sa propesyon, lalo na sa maliliit na manggagawa sa industriya ng telebisyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbingi-bingihan, nanadya pa! Produkto ng reality show, nagpamalas ng kagaspangan ng ugali sa isang TV production staff.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results