PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Milo Cruz, nagpakitang-gilas sa Bagets, The Musical

Si Milo ay Xenerade vocal boy group member at Aeronautical Engineering graduate.
by Jojo Gabinete
Published Jan 24, 2026
Milo Cruz plays Tonton in Bagets, The Musical. It's the role originally played by William Martinez.
Milo Cruz pinahanga ang theatergoers sa pagganap niya bilang Tonton, na originally ay ginampanan ni William Martinez sa 1984 film na Bagets.

Ang Xenerade vocal boy group member na si Milo Cruz, 26, ang gumanap na Tonton sa Bagets, The Musical.

Read: Andres Muhlach, napaluha sa stage debut via Bagets, The Musical

Tumanggap siya ng mga papuri dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa karakter na unang binigyang-buhay ni William Martinez sa Bagets, ang coming-of-age movie ng Viva Films na ipinalabas sa mga sinehan noong Pebrero 2, 1984.

Pinuri rin ng mga nanood ng Bagets, The Musical ang talento ni Milo sa pagkanta.

Ang pag-awit niya ng "Farewell," ang kanta na pinasikat ni Raymond Lauchengco at original soundtrack ng pelikula, ang isa sa mga highlight ng musical na nagsimula ang pagtatanghal noong Enero 23, 2026 sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City.

Dahil sa husay na ipinamalas ni Milo, nagkaroon ng interes ang mga nanood ng Bagets na makilala siya.

Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files ngayong Sabado, Enero 24, sinabi ni Milo (Maylo ang bigkas) na Mitch Vangelo Cruz ang kanyang tunay na pangalan at isinilang siya noong Disyembre 29,1999.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aeronautical Engineering graduate si Milo na nagsimula ang pagkanta noong Grade 1 pa lamang siya.

Read: Snooky Serna in a relationship for 10 years with Ramon Villarama

MILO CRUZ ON AUDITION, PREPARATION FOR BAGETS

Likas ang hilig ni Milo sa musika kaya naging miyembro siya ng Xerenade, na malaki ang kinalaman para mapasakamay niya ang papel ni Tonton sa Bagets, The Musical.

"Yes, I auditioned for Bagets. Kasama po ako sa boy group na Xerenade, at sinabihan po kami if gusto namin na mag-audition sa Bagets, The Musical, kaya eto na nga po, nakapasa ako.

"I feel like they gave me the role Tonton since kahawig ko raw po si Sir William Martinez, and I think they saw the potential na mailalabas ko ang karakter,” kuwento ni Milo.

Pinanood niya ang pelikula dahil “It was mostly understanding and absorbing emotionally the situations that Tonton had to experience.”

Isang hindi makalilimutang karanasan para kay Milo ang mga paghahanda nila ng cast ng Bagets, The Musical dahil sa kanyang mga natutunan at sa pagkakaroon niya ng mga bagong kaibigan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I am really fond of how we started the rehearsals with a little talk about our lives, depending on what topic that we have.

"During the actual show, sobrang nakakatuwa na lumitaw ang mga pinag-aralan namin, mapa-dancing, acting at singing.

"The cast, sobrang heartwarming nila na katrabaho and they make our work feel fun.

"Naging close kaming lahat ng boys because we all went through the same trainings and we developed a bond that we didn’t expect.”

Read: Mel Tiangco speaks up after allegedly insulting Alex Eala

ON POSITIVE FEEDBACK

Ano ang reaksyon mo sa mga papuri sa pag-arte at pagkanta mo na nagpakita ng pagiging sensitive actor at singer mo?

“Honestly, it feels surreal. I think I can do better but all their compliments gives me that boost to strive harder.”

Sinagot din ni Milo ang tanong tungkol sa posibilidad na mula sa pagiging mang-aawit, papasukin na rin niya ang pag-arte dahil galing na kanyang ipinakita sa musical na pinupuri at hinahangaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I think I will let God decide and guide me through His plans, since I believe God has given me blessings to bring happiness to others.

"After Bagets, The Musical, my plan is just to grind and focus on my career and health.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Milo Cruz pinahanga ang theatergoers sa pagganap niya bilang Tonton, na originally ay ginampanan ni William Martinez sa 1984 film na Bagets.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results