Tinutukan sa Pilipinas at sa maraming panig ng mundo ang livestreaming ng Netflix sa buwis-buhay na pag-akyat ni Alex Honnold, 40, sa Taipei 101, nitong Linggo ng umaga, Enero 25, 2026.
Ang Taipei 101 ang pinakamataas na gusali sa Taiwan. Mayroon itong 101 na palapag at may taas na 1,667 feet.
Read: 16 foreign embassies troubled by guilty verdict for journalist Frenchie Mae Cumpio
Makapigil-hininga ang ginawa ng American climber dahil hindi siya gumamit ng lubid, harness o safety equipments nang akyatin niya ang Taipei 101 skycraper.
Tumagal ng 90 minuto ang pag-akyat ni Honnold, gamit lamang ang mga kamay at paa niya.
Kabadong-kabado naman ang Netflix viewers at ang mga taong nagtipon-tipon sa paligid ng Taipei 101 na sinaksihan ang kanyang death-defying act.
Umalingawngaw ang malakas na hiyawan at palakpakan nang marating ni Honnold ang pinakatuktok ng Taipei 101.
Tumayo, kumaway sa mga tao sa ibaba ng gusali, at nag-selfie si Honnold.
Nakapangingilabot itong eksena dahil puwedeng-puwede siyang tangayin ng malakas na hangin.
HOW MUCH DID NETFLIX PAY ALEX HONNOLD FOR TAIWAN 101 CLIMB?
Inanunsiyo ng Netflix na magaganap ang pag-akyat ni Honnold sa Taipei 101 noong Sabado, Enero 24, pero ipinagpaliban ito dahil sa malakas na ulan.
Hindi sinabi ni Honnold ang halagang ibinayad sa kanya ng Netflix, pero may mga ulat na “six figures” ang natanggap niya.
“If you put it in the context of mainstream sports, it’s an embarrassingly small amount,” pahayag ni Honnold sa New York Times bago siya umakyat sa Taipei 101.
“If there was no TV program and the building gave me the permission to do the thing, I would do the thing because I know I can, and it would be amazing.
"Just sitting by yourself on the very top of the spire is insane."
Tumanggap ng mga papuri si Honnold dahil nagtagumpay siyang marating ang tuktok ng pinakamataas na gusali sa Taiwan, pero may mga hindi rin natutuwa sa kanyang ginawa dahil isinugal niya ang sariling buhay.
May mga nag-akusa kay Honnold na makasarili ito dahil hindi umano niya isinaalang-alang ang kinabukasan ng asawa at dalawang maliliit na anak nila, kung sakaling nagkaroon ng sakuna sa kanyang pag-akyat sa Taipei 101.
Read: Lito Pimentel recounts rise from PA to actor; talks about past drug use