Ipinakikilala sa Viva One series na Hell University sina Jac Abellana at Gabbi Ejercito, na parehong 19 ang edad at anak ng mga artista.
Si Jac ay anak ng former That’s Entertainment member na si Jojo Abellana.
Pero napagkakamalan siyang anak ng dating actor-model na si Leo Rabago dahil malaki ang pagkakahawig nila sa isa’t isa.
Si Leo, na isang top male supermodel noong '80s, ay pumanaw noong Pebrero 10, 2011, dahil sa colon cancer.
Read: Former model-actor Leo Rabago dies of colon cancer

Wala sa plano ni Jac na pumasok sa showbiz noong bata pa siya.
Pero nagbago raw ang kanyang desisyon dahil sa madalas na pagsama niya noon sa mga taping ng amang si Jojo para sa mga TV show nito.
Kuwento niya: “Nung bata po ako, hindi ko naman po talaga gustong mag-artista kasi I was focused on basketball.
"Pero may times na isinasama kami ni Daddy sa taping. Nakikita ko po yung mga ginagawa nila.
“Bigla po may nag-click sa akin na parang gustong kong ma-try. Parang interesado ako na gawin siya.
“Thankful naman po ako dahil supportive ang dad ko na gawin ko po itong karera na ito. I am really grateful po na nandito na ako sa industriya.”
Read: Claudine Barretto accuses personal assistant of kidnapping

GABBI EJERCITO
Ikinuwento naman ni Gabbi na ang mga magulang niyang sina Gary Estrada at Bernadette Allyson ang nagkumbinsi sa kanyang subukan ang pag-aartista.

Saad niya: “They were actually the ones that pushed me to go into acting and showbusiness because they saw how much it did for them.
"So they also want that for me and also for my older sister who’s also into showbiz,” ang salaysay ni Gabbi.
“I didn’t make this decision on my own. I have my parents to guide me because they were the ones there first.
“I will always listen to their advice. I trust them that this would be the right opportunity po.”
Hindi maipagkakailang anak ni Bernadette si Gabbi dahil magkaboses na magkaboses sila.
Read: Mel Tiangco speaks up about her alleged insult of Alex Eala