PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mga naulila ng napatay ni John Wayne Sace, kumusta na?

Lynell Eugenio's kin: "Walang kapatawaran ang ginawa niyang pagpatay."
by Jojo Gabinete
Published Jan 26, 2026
john wayne sace lynell eugenio murder
A relative of Lynell Eugenio (right) expressed strong sentiments toward former child actor John Wayne Sace, saying, “Walang kapatawaran ang ginawa niyang pagpatay.” Sace remains in jail for the murder of Eugenio.
PHOTO/S: Facebook

Trigger Warning: Murder

Labinlimang buwan na ang nakalilipas mula nang barilin at mapatay ng dating child star na si John Wayne Sace, 36, ang kanyang kapitbahay na si Lynell Eugenio noong Oktubre 28, 2024 sa Barangay Sagad, Pasig City

Pero hindi nawawalan ng pag-asa ang mga naulila ng nasawi na makakamit nila ang pinakamimithing hustisya.

Murder ang kasong isinampa laban kay John Wayne.

Buhat nang makulong ito, wala nang balita tungkol sa kaso kaya nakipag-ugnayan ang Cabinet Files sa isa sa mga kamag-anak ni Eugenio ngayong Lunes ng gabi, Enero 26, 2026.

Read: John Wayne Sace arrested for alleged shooting incident

ONE YEAR AFTER

Nakiusap ang miyembro ng pamilya ni Eugenio na huwag nang banggitin ang pangalan niya.

Pero pahayag nito: "Ang sabi po ng isang kaibigan namin, parang patay na buhay na si Sace dahil sobrang payat na niya.

“Nakakulong pa rin po siya at gusto kong huwag na siyang makalabas, mabulok na talaga siya sa kulungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mahigit isang taon nang wala si Papa Lynell. Nakakapanglambot, nakakalungkot.

“Pero kung nasaan man siya, masaya na siya. Nakakapanibago lang talaga dahil tahimik, walang maingay, walang makulit.

"Pero sinusubukan namin na kayanin. Wala, e, ganoon talaga ang buhay."

May mensahe rin siya para sa aktor.

Saad niya: “Simple lang ang message ko sa kanya. Sana mabago pa niya ang kanyang buhay hangga’t hindi pa huli ang lahat. Itigil na niya yung bisyo niya.

“Manampalataya siya ulit sa Panginoong Diyos. Magbalik-loob siya.

"Oo, walang perpektong tao, pero walang kapatawaran ang ginawa niyang pagpatay."

May mabigat na paratang ang kaanak ni Eugenio tungkol kay John Wayne, pero minabuti ng Cabinet Files na huwag nang ilathala dahil may mga taong madadamay at maaaring makaapekto ito sa kaso ng aktor na nakabilanggo.

Read: Victim's daughter speaks out after arrest of John Wayne Sace

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A relative of Lynell Eugenio (right) expressed strong sentiments toward former child actor John Wayne Sace, saying, “Walang kapatawaran ang ginawa niyang pagpatay.” Sace remains in jail for the murder of Eugenio.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results