PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ex ni Aiko Melendez na si Jay Khonghun, nali-link kay Chi Atienza

Aiko, ni-like ang pahayag ng anak na si Andre sa Aiko-Onemig relationship.
by Jojo Gabinete
Published Jan 27, 2026
jay khonghun chi atienza
Aiko Melendez, is reportedly dating Manila Vice Mayor Chi Atienza (right). Melendez, meanwhile, is now being linked to actor Onemig Bondoc (inset).
PHOTO/S: Facebook

“Heart emoji” ang reaksiyon ni Quezon City Councilor Aiko Melendez, 50, sa artikulo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa reaksiyon ng kanyang anak na si Andre Yllana sa napapabalitang relasyon ng aktres kay Onemig Bondoc, 48.

Si Aiko ang unang nagkomento ng "heart emoji."

Tila pahiwatig na nagustuhan niya ang mga sinabi ng kanyang anak sa artikulong may pamagat na "Andre Yllana nagsalita sa rumored Aiko-Onemig relationship."

Nailathala ang artikulo noong Enero 21, 2026.

aiko melendez like
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Andre sa pagkakamabutihan ng kanyang ina at ni Onemig: “Enjoy! Mukha naman po silang masaya so kung masaya naman po sila, enjoy po.”

Read: Andre Yllana, nagsalita sa rumored Aiko-Onemig relationship

Si Onemig ang pinaghihinalaang kapalit ni Zambales First District Representative Jay Khonghun, 48, sa puso ni Aiko.

Tumagal ng halos walong taon ang relasyon nina Aiko at Jay.

Kinumpirma ni Aiko ang breakup nila ni Jay sa pamamagitan ng social media noong Oktubre 2025.

Read: Aiko Melendez confirms breakup with Congressman Jay Khonghun

JAY KHONGHUN REPORTEDLY DATING MANILA VICE-MAYOR CHI ATIENZA

Mula nang maghiwalay sila ni Aiko, wala nang nabalitaan ang publiko tungkol sa personal na buhay ni Jay Khonghun.

Pero dahil sa Instagram post ng broadcaster na si Arnold Clavio, nalaman ng mga tao ang relasyon umano ng Zambales congressman kay Manila City Vice-Mayor Chi Atienza, 44.

Si Chi ay anak ni former Manila City Mayor Lito Atienza at kapatid ng Kapuso TV host na si Kim Atienza.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bago siya pumasok sa public service, nasubukan ni Kim maging artista at naging miyembro ng Star Circle ng ABS-CBN.

Ex-boyfriend ni Chi ang actor-restaurateur na si Marvin Agustin.

Nang huminto sa pag-arte, naging host siya ng mga programa ng PTV, ang government-owned television station.

Napangasawa ni Chi si Vladimir Neil “Von” Valdepeñas at meron silang tatlong anak.

Pero nabatid ng publiko na matagal nang nagwakas ang kanilang pagsasama dahil sa Instagram post ni Arnold noong Lunes, Enero 26.

Nakasaad dito: “Pareho nang naka-move on ang dating magka-relasyon na sina Cong. Jay Khonghun at Councilor Aiko Melendez.

“Kung napabalitang nanunuyo si Onemig Bondoc kay Melendez, tila hindi na itinatago ni Khonghun ang kanyang bagong sinisinta — si Manila Vice Mayor Chi Atienza.

“Wala namang problema, hiwalay na si Atienza sa kanyang asawa at malaya na siyang maging masaya.

"May ilang okasyon na kasama ni Cong si Atienza at hayagang ipinapakilala na bilang bagong karelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ipinagmamalaki pa ni Khonghun si Vice Mayor na kanyang ‘mahal.’"

Read: Lito Pimentel recounts rise from PA to actor; talks about past drug use

View this post on Instagram

A post shared by AkosiiGan???? (@akosiigan)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez, is reportedly dating Manila Vice Mayor Chi Atienza (right). Melendez, meanwhile, is now being linked to actor Onemig Bondoc (inset).
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results