Labis na nababahala ang ilang mga tagahanga ng popular Thai actor na si Bright Vachirawit, 28, dahil sa pagbabago ng kanyang hitsura.
Kapansin-pansin sa mga litratong ibinahagi ni Bright sa Instagram na tila tumanda ang kanyang hitsura na resulta ng sobrang pagpayat.
Kuha ang mga larawan nang um-attend siya ng Fashion Week event sa Paris, France, kamakailan.
Read: GMA News reporter Bam Alegre survives fall from ship during coverage
View this post on Instagram
Ang hindi malusog sa paningin na pangangatawan ngayon ni Bright ang sanhi ng mga negatibong obserbasyon ng ilang netizens.
Komento ng isang fan: “Why are you different even though in F4 Thailand you were the most handsome. Now you lost to Dew, Nani, and Win.Now you have changed the most like a living skeleton.”
Sabi pa ng isa: “You look skinny now.”
Sinagot ni Bright ang komento ng kanyang mga apektadong tagasuporta sa pamamagitan ng social media.
Ito raw ay dahil sa pagkain ng healthy food, fasting, at pagwo-workout.
Paliwanag niya: “Because I start eating healthy food, doing fasting and cardio more! You guys should do it also. I feel much greater and healthier.”

Sa kabila ng paliwanag ni Bright, gusto pa rin ng maraming humahanga sa kanyang ibalik niya ang dating pangangatawan.
Read: Thai star Bright Vachirawit shares secret to bright, clear skin; promises to visit PH again
BRIGHT VACHIRAWIT AND HIS FILIPINO FANS
Kabilang ang Filipino fans ni Bright sa mga nabahala sa kanyang nagkaedad na hitsura dahil tila sumobra ang pagpapayat niya.
Nakuha ni Bright ang atensiyon ng kanyang Filipino fans nang gampanan niya ang karakter ni Sarawat Guntithanon sa phenomenal Thai hit Boys Love series na 2gether: The Series (2020) at Still 2gether.
Nagkaroon ng fan clubs sa maraming panig ng mundo si Bright at si Win Metawin, ang kapareha niya sa mga BL series, na naging daan ng kanilang pagsikat.
Naunang kinagiliwan ang loveteam nina Bright at Win bago pa man sumikat noong Disyembre 2025 ang tandem nina Hudson Williams at Connor Storrie ng Heated Rivalry.

Ang popularidad ni Bright sa mga Pilipino ang dahilan kaya bumisita siya sa Pilipinas noong Nobyembre 2022.
Tinangkilik ang cover version niya ng "With a Smile," ang hit song ng Eraserheads na ginamit na Philippine theme song nang ipalabas sa ABS-CBN ang "Still 2gether."
Read: Bright Vachirawit sings Eraserheads song at F4 Thailand's PH gig