Pambubugbog at pagkukulong sa kanya ang mabigat na paratang ni Bonifacio Baro, 40, laban sa magkaibigang aktres na sina Michelle Dee, 30, at Rhian Ramos, 35, na magkasamang naninirahan sa isang condominium building sa Makati City.
Si Baro ay driver at personal assistant ni Rhian.
Nagsadya si Baro sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Miyerkules, Enero 28, 2026, para isumite ang reklamo niyang torture at illegal detention laban kina Michelle at Rhian.
Read: Kampo ni Raymart Santiago, sinagot ang "kidnapping" allegation ni Claudine Barretto
Kasama ni Baro na nagtungo sa NBI si Boy Evangelista, ang presidente ng Volunteers Against Crimes and Corrupt (VACC).
Nilapitan at hiningan ng tulong ni Baro ang VACC para magkaroon ng hustisya ang diumano’y pananakit at illegal detention na ginawa sa kanya nina Michelle at Rhian.
Idinawit din ng driver ang dating beauty queen na si Samantha Panlilio.
Sa panayam ni Zyann Ambrosio ng TV Patrol kay Baro na umere ngayong gabi, itinanggi nito ang akusasyong ninakaw niya ang mga pribadong larawan ng "aktres" na naging sanhi ng pambubugbog sa kanya.
Hindi tinukoy ni Baro sa panayam kung si Rhian o Michelle ang tinutukoy niyang "aktres."
Pero sa isinumiteng qualified theft complaint ni Michelle sa Makati City Prosecutor's Office, lumalabas na sa kuwarto ng Miss Universe Philippines 2023 kinuha ang mga pribadong larawan.
Read: Michelle Dee, sinampahan ng qualified theft ang driver ni Rhian Ramos
Salaysay ni Baro sa TV Patrol: “Ang dami po nilang ginawa sa akin. Pinarusahan niya ako, hinubaran niya ako. Binuhusan niya ako ng alcohol sa katawan."
Hindi nilinaw ni Baro kung sino ang "niya" na kanyang tinutukoy.
Ipinakita ni Baro ang mga pasa at sugat niya sa katawan na resulta umano ng pananakit sa kanya na nasaksihan din umano ng dalawang bodyguards ni Rhian.

SERIOUS ILLEGAL DETENTION ALLEGATION
Ikinuwento rin ni Baro na tatlong araw raw siyang ikinulong sa condominium unit nina Rhian at Michelle, mula noong Enero 17.
Tinangka umano niyang tumakas sa pamamagitan ng paglabas sa bintana mula sa 39th floor.
Pero nakita raw siya ng officer-in-charge ng condominium building at ng bodyguards.
Dinala raw si Baro sa Makati Police, at dito siya sinampahan ni Michelle ng reklamong qualified theft.
Pero ibinasura ito ng Makati City Prosecutor’s Office makalipas lamang ang tatlong araw kaya nakalaya si Baro noong Enero 22.
Suportado ni VACC President Boy Evangelista ang reklamo ni Baro laban kina Michelle, Rhian, at Samantha.
Pahayag ni Evangelista: "Lumapit, kumatok sa pintuan ng VACC. Willing siyang mag-complain.
"Ang involved dito is numbering to four to five, dalawang possible na pulis, saka tatlong high-profile celebrity.”
Ang tatlong tinutukoy niyang "tatlong high-profile celebrity" ay ang sikat na aktres na si Rhian Ramos, ang aktres at beauty queen na si Michelle Dee, at ang dati ring beauty queen na si Samantha Panlilio.
Read: Mga naulila ng napatay ni John Wayne Sace, kumusta na makalipas ang isang taon?
BARO DETAILS ORDEAL IN A SEPARATE INTERVIEW
Mas detalyado ang salaysay ni Baro tungkol sa kanyang sinapit umano sa kamay nina Michelle, Rhian, at dalawang bodyguards ng kanyang amo sa ulat ng Inquirer.
Sa nasabing ulat, base sa panayam ng media kay Baro, itinago nila sa alias na "Totoy" ang driver.
Ayon sa pahayag ni Baro sa media, kakauwi lamang nila ni Rhian mula sa taping bandang alas tres ng madaling-araw noong Enero 17, Sabado, nang kuyugin at bugbugin umano siya ng aktres at ng dalawang bodyguards nito sa loob ng condo unit ni Rhian na nasa ika-39 palapag ng isang condominium building sa Makati City.
Nang sumunod na araw, Enero 18, ay nagdesisyon daw si Baro na tapusin ang kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagtalon sa bintana mula sa 39th floor.
Pero sumabit daw siya sa kable ng kuryente kaya hindi siya nahulog nang tuluyan kundi napunta sa 25th floor ng gusali.
Nagdesisyon daw siyang pumunta sa lobby, pero hinarang umano siya ng mga bodyguard ni Rhian at inakyat muli sa 39th floor.
Pagbalik daw niya sa unit, nagsanib-puwersa raw si Michelle at ang kapwa nito beauty queen na si Samantha Panlilio sa pambubugbog sa kanya.
Pagkatapos nito ay idinetalye ni Baro ang mga ginawa umano sa kanya ni Michelle—paghuhubad sa kanyang damit at pagbuhos ng alcohol sa kanyang katawan.
Sa sariling salita ng driver: “Dumating yung [beauty queen], pinarusahan niya ako…
"Hinubaran niya ako, binuhusan niya ako ng alcohol sa katawan, tapos inisprayan niya ako.
"Natanong ko siya, ‘Ma’am, ano po gagawin natin?’ Sabi niya, ‘Maglaro tayo.’
“Hinubad niya sa akin, wala akong damit… Inispreyan niya mata ko tapos ginanyan niya ng dalawang daliri niya…
"Hinawakan niya kamay ko, ipinasok niya sa dalawang... Dito niya, saka dito. Tapos yung kamay ko idiniin sa leeg niya.”
Sinabi rin ni Baro na hindi tumigil ang dalawang bodyguards ni Rhian sa pambubugbog sa kanya, at pinilit din daw siyang inumin ang sariling ihi.
Lahad niya sa ulat ng Inquirer: “Ilang beses akong tumumba sa upuan, pero kahit anong makaawa ko, wala na ako sa kanila.
"Tapos noong umalis si Ma’am may puntahan siya, tuluy-tuloy pa rin akong binugbog ng mga bodyguard niya.
"Mga kasama ko sa trabaho yan sila, hindi po sila naawa sa akin."
Read: Tommy Tiangco addresses alleged falling-out with Tim Laude, "f*** boy" issue
RHIAN AND MICHELLE'S LEGAL COUNSEL REACTS TO ALLEGATIONS
Sa ipinadala namang pahayag sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ni Atty. Maggie Abraham-Garduque, legal counsel nina Rhian at Michelle, itinanggi nitong may serious detention na naganap.
Ito ay dahil ang tinukoy ni Baro na pinangyarihan umano ng insidente ay ang condo unit kung saan din siya nakatira bilang driver ni Rhian.
Bahagi ng pahayag ni Garduque: “As far as our client is concerned, there is no incident of illegal detention happened as Mr. Baro was a resident of the condo, being the driver of Rhian.
“The last incident of our clients with Mr. Baro was when Michelle Dee filed a criminal case for qualified theft against him which he admitted and he even returned some of the items to Michelle.
“Thus, our clients cannot think of any reason for initiating this complaint but a leverage and vindictive suit to said qualified theft case.”
Read: Rita Daniela on Ken Chan: "We're not friends anymore."
With additional text by Erwin Santiago