PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Samantha Panlilio, wala pa ring pahayag sa kinasasangkutang isyu

Michelle Dee at Samantha Panlilio, nag-disable ng comments sa Instagram.
by Jojo Gabinete
Published Jan 29, 2026
michelle dee rhian ramos samantha panlilio
Beauty queen Samantha Panlilio (right) has not issued any statement regarding the accusations made by Rhian Ramos’s driver, Bonifacio Baro, who claims he was tortured and illegally detained by Ramos, Panlilio, and Michelle Dee (left).
PHOTO/S: Instagram

Hinihintay ng marami ang pahayag ni Bb. Pilipinas Grand International 2021 Samantha Panlilio tungkol sa akusasyong kasama siya nina Michelle Dee at Rhian Ramos sa pambubugbog kay Bonifacio Baro.

Isang malapit kay Samantha ang nagsabi sa Cabinet Files na hindi pa siya maglalabas ng panig niya.

Si Baro ang driver at personal assistant ni Rhian.

Sa tulong ni VACC President Boy Evangelista, dumulog at naghain si Baro sa National Bureau of Investigation (NBI) ng mga reklamong illegal detention at torture laban sa tatlong personalidad noong Enero 28, 2026.

Ito ay kaugnay ng insidenteng nangyari umano sa condominium unit na tinitirhan nina Rhian at Michelle sa Makati City noong Enero 17.

Ang mabigat na paratang ni Baro ang mitsa para makatanggap ng matitindi at personal na batikos sa social media sina Rhian, Michelle, at Samantha.

Ngayong Huwebes, Enero 29, pareho nang disabled ang comments section sa Instagram accounts nina Michelle at Samantha na tanging solusyon para makaiwas sila sa masasakit na salita at panghuhusga ng netizens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tatlo, tanging comments section sa Instagram account ni Ramos ang aktibo kaya patuloy ang mga paninira laban sa kanya at sa pagkatao niya.

Related Stories:

QUESTIONS ABOUT BONIFACIO BARO'S TESTIMONY

Hindi rin ligtas si Baro sa mga batikos dahil marami ang hindi naniniwala sa kuwento niyang tumalon siya mula sa bintana sa 39th floor ng condominium unit na pinagkulungan umano sa kanya ng grupo nina Michelle at Rhian.

Pero nakahawak daw siya sa lubid at milagrong nakarating sa 25th floor nang walang anumang pinsala sa katawan.

Pinagdududahan ang testimonya ni Baro tungkol sa karanasan nito.

WHERE WAS MICHELLE DEE ON JANUARY 17, 2026?

Sa mga panayam kay Baro sa NBI, sinabi niyang madaling-araw ng Sabado, Enero 17, nang makauwi sila ni Rhian sa condominium building sa Makati City na tinitirhan ng aktres at ni Michelle.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tumutugma ang pahayag ni Baro sa resulta ng pagtatanong ng Cabinet Files sa mga kinauukulan na nag-taping si Ramos noong Enero 16, Biyernes, para sa Sang’gre, ang primetime fantasy series ng GMA-7.

Para patunayang nasa Iloilo City si Michelle para sa coronation night ng Miss Iloilo 2026 noong Enero 16, inilabas ng kanyang kampo ang kopya ng flight details at plane ticket niya.

Nakalagay flight details na 6:30 A.M. ang calltime ni Dee sa airport dahil 8:15 A.M. ang oras ng lipad niya via PAL papunta sa Iloilo noong Enero 17.

Pero kinagabihan, bumalik din siya sa Metro Manila ng 11:30 P.M.

michelle dee flight details
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumutugma pa rin ito sa lahad ni Baro sa mga miyembro ng media: “Nung paalis na si Ma’am Michelle sa ibang lugar, mga 6 ng umaga nung January 17, tinuluy-tuloy pa rin akong binugbog ng mga bodyguard niya.

"Mga kasama ko sa trabaho yan sila, hindi po sila naawa sa akin.”

Kinabukasan, Enero 18, 5:30 A.M., nagsadya si Michelle sa barangay hall sa Makati City para ipa-blotter ang pananakit umano sa kanya ni Baro.

michelle dee barangay hall
Michelle Dee files a blotter report against Rhian Ramos’s driver at a barangay hall in Makati City.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa salaysay ni Michelle, kinompronta at binantaan niya si Baro na dadalhin sa presinto dahil sa pagnanakaw na ginawa nito. Pero sinaktan daw siya ng driver ni Rhian.

Nagkaroon daw ng mga kalmot at pasa sa braso ang actress-beauty queen

Pero ayon kay Baro, “tinorture” siya nina Michelle, Rhian, at Samantha noong Enero 17 at ikinulong sa condominium unit mula Enero 18 hanggang Enero 19.

Read: Inday Barretto, mom of Gretchen, Marjorie, Claudine, dies at 89

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty queen Samantha Panlilio (right) has not issued any statement regarding the accusations made by Rhian Ramos’s driver, Bonifacio Baro, who claims he was tortured and illegally detained by Ramos, Panlilio, and Michelle Dee (left).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results