“Kawawa naman ang anak ko.”
Ito ang nababahalang reaksiyon ni Melanie Marquez nang malaman nitong sinampahan ng reklamo ang kanyang anak na si Michelle Dee.
Torture at serious illegal detention ang mga reklamong inihain ni Bonifacio Baro sa National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Michelle at sa kaibigan nitong si Rhian Ramos noong Miyerkules, Enero 28, 2026.
Si Baro ay driver at personal assistant ni Rhian Ramos.
Nag-ugat ang reklamo ni Baro dahil sa paratang na binugbog at ikinulong umano siya nina Michelle at Rhian sa condominium unit sa Makati City na tinitirhan ng dalawa noong Enero 17.
Kasama rin sa inireklamo ang former beauty queen na si Samantha Panlilio at dalawang bodyguards nina Michelle at Rhian.
Related Stories:
- Michelle Dee, sinampahan ng qualified theft ang driver ni Rhian
- Rhian at Michelle, inireklamo ng torture at illegal detention
- VACC, suportado ang driver na inireklamo sina Rhian, Michelle, Samantha
- Sam Verzosa, Wil Dasovich dawit sa isyu ng driver ni Rhian Ramos
- Michelle Dee camp says she was in Iloilo during alleged torture
- Samantha Panlilio, wala pa ring pahayag sa kinasasangkutang isyu
Melanie Marquez says she hasn’t talked to Michelle Dee yet
Nang makipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Melanie noong Miyerkules ng gabi, sinabi ng beteranang aktres na hindi pa sila nagkakausap ni Michelle.
Ang mga impormasyong galing sa social media lamang daw ang kanyang nabasa kaya wala pa siyang maibigay na sagot.
Parehong gumawa ng ingay ang pangalan ng mag-ina ngayong Enero 2026 dahil sa mga isyung kanilang kinasasangkutan.
Enero 5 nang isiwalat ni Melanie sa Fast Talk With Boy Abunda ang diumano’y pananakit at pagpapakulong sa kanya ng estranged American husband na si Randy Lawyer sa isang mental institution at rehabilitation center noong Hulyo 2022.
Hiniling ni Melanie sa Bureau of Immigration na huwag nang payagang makabalik sa Pilipinas ang kanyang asawa na kasalukuyang naninirahan sa Utah, USA.
Nagsampa rin ang actress-beauty queen ng mga kaso sa Pilipinas at sa Amerika laban kay Lawyer.
Bago matapos ang Enero 2026, si Michelle naman ang nasangkot sa isyu.
Kung sinaktan at ipinakulong si Melanie ang mga akusasyon nito kay Lawyer, kabaligtaran naman ang mga reklamo laban kay Michelle.
Siya ang pinaratanganng nanakit at nagkulong kay Baro, na pinagbibintangang ninakaw mula sa kuwarto ni Michelle ang mga maseselang larawan na nakalagay sa angpao o red envelope.
Related Stories: