Ipinakita ni Claudine Barretto ang tunay na kahulugan ng propesyonalismo nang pumanaw noong Huwebes, Enero 29, 2026, sa edad na 89 ang kanyang ina na si Estrella “Inday” Barretto.
Read: Barretto matriarch Inday Barretto dies at 89
Kahit labis na nagdadalamhati, pumunta pa rin siya sa taping ng Totoy Bato, ang action drama series ng Viva Television na napapanood sa TV5.
Cast member si Claudine ng Totoy Bato at may sapat na dahilan ang aktres para hindi sumipot sa taping.
Pero dumating siya sa set at maayos na ginampanan ang kanyang trabaho.
Nakunan ng video ang paglapit at pakikiramay ni Mark Anthony Fernandez kay Claudine, pati na ang paghalik niya sa noo ng kanyang dating karelasyon, na malungkot na malungkot ang mukha nang magkita sila sa set ng Totoy Bato.
Ilang oras pa lamang iyon matapos sumakabilang-buhay ang ina ng aktres.
Read: Claudine Barretto shares last moments with Mommy Inday
INDAY BARRETTO'S PASSING
Binawian ng buhay ang nanay ni Claudine sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig City noong Huwebes ng umaga.
Nakaburol ang mga labi ni Inday Barretto sa Heritage Park, Taguig City mula Enero 31 hanggang Pebrero 1.
Nakikiusap ang mga nagmamahal at nagmamalasakit sa pamilya Barretto na bigyan sila ng pribado na pagluluksa at igalang ang kanilang pagdadalamhati.
Isa itong mahalagang paalaala sa mga miyembro ng media na nagbabalak na magsadya sa Heritage Park para sa news coverage nila.