Marami sa mga kababayan natin ang hindi nakakaalam na may dugong Pilipino ang American actor na si Conrad Ricamora, 46, kaya nagulat sila sa social media post niya habang sakay siya ng eroplano na naghatid sa kanya sa Pilipinas.
Makabagbag-damdamin ang video na ibinahagi ni Conrad sa Instagram dahil nagbigay-pugay siya sa kanyang ama na si Ron Ricamora.
Si Ron ay isinilang sa Maynila, sampung taon ang edad nang manirahan sa Amerika, at naglingkod sa U.S. Air Force pero hindi na nakabalik sa bansa na sinilangan.
Read: Melanie Marquez: "Blackmail" ang motibo ng driver ni Rhian Ramos
CONRAD RICAMORA NOW IN MANILA
Nakangiti pero lumuluha si Conrad sa video niya nang dumungaw siya sa bintana ng eroplano at nasilayan ang bird's eye view ng Manila.
Sabi niya sa caption: "60 years ago, my dad said goodbye to the Philippines as a 10-year-old, unsure if he’d ever return.
"Now, I’m here for the first time, walking in his shoes, on the soil of my ancestors, carrying him in my heart."
Marami ang nakiluha sa nakakaantig na pahayag ni Conrad na bumisita sa Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon.
Si Conrad ay gaganap na Zach sa Manila staging ng Broadway musical na A Chorus Line, na itatanghal sa Samsung Performing Arts Theater, Makati City mula Marso 12 hanggang Marso 29, 2026.
Read: Robin Padilla, konektado sa pagkatalo ng mga artista?; Robin may buwelta sa analyst
CONRAD RICAMORA ACTING PROJECTS
Nakilala si Conrad dahil kay Oliver Campton, ang karakter na ginampanan niya sa How to Get Away with Murder ( 2014-2020), ang television series ng ABC.
Napanood din siya sa American series na The Resident, How to Die Alone, at Dying for Sex.
Kasama si Conrad sa cast ng The Devil Wears Prada 2 na pinagbibidahan nina Meryl Streep at Anne Hathaway.
Ang Talladega Nights: The Ballad of Ricky Bobby, The Light of the Moon, at Fire Island ang ilan sa mga pelikula na ginawa niya.
Bilang stage actor, gumanap si Conrad na Ninoy Aquino sa Here Lies Love.
Nagkaroon siya ng nominasyon sa Tony Award para sa kategorya ng Best Featured Actor in a Play dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa stage play na Oh Mary! at dalawang beses na nominasyon sa Grammy Award para sa Soft Power at The King and I.