PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ejay Falcon, balik-pelikula matapos tumakbong congressman

Kappa-tiran, tatalakayin ang mga kaganapan sa fraternity.
by Jojo Gabinete
Published Feb 1, 2026
ejay falcon kappa-tiran
Actor and former Oriental Mindoro Vice Governor Ejay Falcon will star in the upcoming movie Kappa-tiran.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Muling gagawa ng pelikula ang aktor at dating Oriental Mindoro vice governor na si Ejay Falcon.

Noong 2025 elections ay tumakbo siyang congressman sa second district ng Oriental Mindoro, ngunit sa kasamaang-palad ay natalo siya.

Tinanggap niya ang alok ng Mamay Production na magbida sa Kappa-tiran (The Only Way Out Is Within).

Si Neal 'Buboy' Tan ang direktor at si Nunungan, Lanao del Norte Vice-Mayor Marcos Mamay ang producer ng proyektong tungkol sa mga nangyayari sa mga fraternity ang kuwento.

Naganap ang story conference ng Kappa-tiran sa Pandan Asian Café nitong Linggo ng hapon, Pebrero 1, 2026.

Dumalo ang cast sa pangunguna nina Ejay, Sheryl Cruz, at Bembol Roco.

Kasama rin sa pelikula ang mga baguhang aktor na gaganap na neophyte members ng Kappa-tiran kaya may mga piring ang mga mata nila sa ginanap na story conference.

Read: Marjorie Barretto says last moments with mom "a chance to heal"

kappa-tiran cast
The cast of Kappa-tiran with producer Vice-Mayor Marcos Mamay
Photo/s: Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EJAY FALCON'S COMEBACK MOVIE

Ayon kay Ejay, ang proyekto tungkol sa mga Mangyan, ang mga katutubo sa Oriental Mindoro, ang unang plano nila ni Direk Buboy.

Pero nagdesisyon silang gawin muna ang Kappa-tiran dahil nagustuhan niya ang kuwento at mensahe ng pelikula.

Saad ni Ejay: “Dati yung mga ginagawa ko, pa-cute, mga love story. Ngayon, siguro ito yung mas mature na Ejay na makikita ninyo sa movie.

“Sa akin, ang importante, hindi lang basta pelikula. Makagawa lang tayo ng pelikula, sige basta may trabaho tayo, go na lang.

“Hindi kasi ganoon ngayon. Hindi katulad noong nag-uumpisa pa lang ako, kailangan magtrabaho. Kailangan kumita ng pera.

“Ang ganda ng message ng pelikula. Yun naman talaga ang purpose, ang makagawa ng magandang pelikula. Kung kumita, bonus na lang.

“Kung ganito ang mga pelikulang ibinibigay sa akin, kahit siguro araw-araw ako mag-shooting,”

Nagpasalamat si Ejay kina Direk Buboy at Vice Mayor Mamay dahil ipinagkatiwala sa kanya ang pagbibida sa Kappa-tiran.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Very grateful, thankful, lahat ng klase ng ful, yun po ang pakiramdam,” sambit Ejay.

“Napakaganda po talaga ng story nito. Nangyari talaga sa totoong buhay.

“Grateful ako kasi isa ito sa mga pelikula na maipagmamalaki ko talaga. Maganda yung message para sa atin, alam mo naman yung mga nangyayari sa bansa natin. Ang dami nating napapanood sa news.

“Hindi ito basta pelikula, yung message na maipapakita natin, eye-opener sa ating mga kababayan na ito pala ang nagiging result kapag sumali ka sa fraternity at ginawa mo yung mali.”

Read: Labor cases against GMA-7 explained; what's next after Supreme Court decision?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor and former Oriental Mindoro Vice Governor Ejay Falcon will star in the upcoming movie Kappa-tiran.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results